Chapter 26

987 23 3
                                    


Chapter 26
Gail's POV

"Ano?!"

"Nasa hospital pa rin sya hanggang ngayon pero okay naman na daw sya at wag ka na daw mag-alala."

"Anong wag mag-alala, mommy?! Nasa hospital sya ngayon tapos ganun ang sasabihin nya? Nababaliw na ba sya?! Ano na naman bang kabaliwan ang ginawa nya?!"

Napabalik-balik ako ng lakad. Ano ba naman 'to! Ang ganda na ng tulog ko kagabi tapos pag-gising ko ganitong balita ang sasalubong sa akin?! Nakakaloka naman.

Humawak si mommy sa balikat ko saka tumawa.  "Gail, sweetie. Wag ka ngang oa. At wag ka ngang masyadong mag-panic. Buhay pa si Gab. Hindi naman sya nag aagaw-buhay para mag react ng ganyan. Chill, okay?"

Huminga ako malalim saka bahagyang huminahon. Umakyat ako agad sa kwarto ko at naligo. Nag-ayos ako dahil pupunta ako sa kung saang hospital naroon yung baliw kong bestfriend!

"Gabriel Francisco."

"Room 201 po."

Agad akong pumunta sa kung saang room yun. Huminga ako ng malalim saka tuluyang pumasok.

"Gab! Ikaw! Nakaka-inis ka!"  Agad akong lumapit sakanya saka sya bahagyang hinampas sa balikat. Naaasar ako!

"Ow! Aray naman, Gail! Grabe ka naman!"

"Ikaw kasi eh! Bakit di ka nag-iingat?! Bakit ang clumsy mo?! Bakit ka naaksidente?! Bakit ka ganyan?!"

"Tignan mo 'to oh. Ako na nga itong naaksidente tapos ako pa sinasaktan mo? Grabe ka naman Bff--teka! G-Gail, ba-bakit a umiiyak?!"

Pinunasan ko agad yung luha ko saka tumingin sakanya ng masama.  "Ikaw kasi eh! Wag ka na ngang mag-motor! Baka hindi lang yan ang mangyari sayo sa susunod!"

"Hindi naman pwede yun, Gail."

"Paanong hindi?! Baka mamatay ka kang doon! Pasalamat ka nga at pilay lang yang nakuha mo ngayon eh!"

Sumimangot sya.  "Baka nga sa susunod sa morgue na ang tuloy ko, hindi lang dito sa kwartong 'to."  Sabi nya habang nakatingin sa kawalan.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi nya. Kinilabutan ako.

Hinampas ko sya.  "W-Wag ka ngang mag-salita ng ganyan, Gab! Ano ka ba?! Gusto mo na bang mamatay ng wala sa oras?!"

Saka lang sya tumingin ng diretso sa akin.  "Hindi naman natin masasabi kung oras na natin o hindi. Hindi natin mako-kontrol yun, Gail. Kahit naman ayaw pa nating mawala sa mundong 'to, wala tayong magagawa kung oras na natin."

Lalo pa akong kinilabutan matapos nyang sabihin 'yon.

"Bakit mo ba sinasabi yan?! Namamaalam ka na ba?!"  Umiling sya saka tumawa ng malakas.

Napailing nalang din ako sakanya.

Tinext ko si Mark na nadito ako sa hospital. Bukod kasi sa mga galos ay may pilay rin sya sa kamay kaya ayun, di makakain kaya ako muna nag-alaga.

Ng nakatulog na si Gab ay saka lang ako nakampanteng lumabas, nasa labas daw kasi si Mark.

"Mukhang pagod ka, ha?"  Naglakad kaming dalawa dito sa garden ng hospital. Maganda dito, malinis at mahangin.

"Medyo."  Umupo kaming dalawa saka ako humarap sakanya. Nakatingin rin sya sakin.

"Baka ikaw naman magka-sakit nyan?"  Sabi nya saka inilagay sa likod ng tenga ko yung mga takas kong buhok dahil sa hangin. Napangiti ako.

"Hindi naman siguro. Tsaka nandyan ka naman para mag-alaga sakin, diba?"

Bahagya syang tumawa.  "Oo naman. Kahit habang buhay pa kitang alagaan, okay lang."  Napakagat ako sa labi ko. Di ko matanggal yung ngiti ko.

Pinisil nya yung pisngi ko dahil doon.  "You're the prettiest girl I've ever seen."  Sya naman ang kumagat sa labi nya habang ngiting ngiti sa akin. Bigla nalang nag-init ang magkabila kong pisngi.

"May dala akong pagkain, baka kasi hindi ka pa kumakain."

Dito na kami kumain sa mga lamesa't upuan na gawa sa bato. Ang ganda kasi dito.

Kumakain kaming dalawa hanggang sa mapatingin kami sa isang pamilyang kalalabas lang ng hospital. Mag-asawa, buhat ng tatay yung bagong panganak siguro na baby at inaalalayan yung asawa nya. Ang sweet.

"Pag dating ng tamang panahon, magiging ganyan din tayo."  Namula ako sa sinabi nya. Omaygad.

Pagtapos naming kumain ay nagpahinga muna kami at nagpahangin dito.

May kinuha sya sa bag nya at inabot sakin.  "Anong gagawin ko dito?"

"Try mong ihampas sa ulo mo."

Napasimangot ako sa sinabi nya.  "Parang mas maganda yung idea na ipalunok ko sayo 'to, no?"

Ngumiti sya sakin.  "Joke lang naman."

Nag sarkastikong tawa lang ako sakanya.

"Since this is our first time going out together as a couple, syempre dapat may picture tayong dalawa."

Napangiti ako sa idea nya saka itinutok sakanya yung camera.

"Mark! Ngiti, dali!"

Sumimangot sya kaya tinignan ko sya ng nakakunot ang noo.  "Ay ano ba yan?! Ngiti sabi eh!"  Lalo syang sumimangot.

"Ask me sweetly."  Sabi nya saka pa nag crossed-arms.

Sinimangutan ko sya.  "Ang arte naman ng model ko."

"Yung model mo kaya ay yung gwapo mong boyfriend."

Tinawanan ko lang sya saka itinapat ulit sakanya yung camera.  "Mark, smile!"  Natatawa kong sabi na medyo sweet. Lalo akong natawa ng ngumiti sya ng malapad.

Napangiti ako lalo ng tignan yung picture. Nakakatawa pero ang cute nya pa rin!

Sunod naman kaming nag picture dalawa. Sunod-sunod at iba-iba ang pose. Nakakatuwa. Ang saya lang talaga. Ngayon lang ako naging ganito kasaya.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon