Chapter 20

1.2K 28 0
                                    


Chapter 20
Gail's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa Mall kay Kim. Ngayon kasi namin napag-usapan na bumili ng susuotin para sa Valentines Party.

Kinuha ko agad yung phone ko ng naramdaman ko ang vibration nito. Napasimangot naman ako agad ng nabasa ko yung text.

From: Kim
Bessy! Sorry! Can't go. May biglaang lakad eh. Tsaka pinadalhan ako ni Kier ng susuotin para sa Party bukas. Sorry talaga! Bawi ako!

Hindi ko maiwasang malungkot pero wala naman akong choice kaya namili nalang akong mag-isa.

Ng nakabili na ako ng susuotin ko ay bumili na rin ako ng heels at accessories. Dito na rin ako kumain kaya inabot na ako ng gabi.

Pauwi na sana ako ng biglang umulan ng malakas. Malas! Nandito pa naman ako sa waiting shed at nakalayo na sa Mall, bibili nalang sana ako ng payong. Tsk.

Nagsimula na akong kabahan ng lumipas na ang halos isang oras pero malakas pa rin ang ulan. Paano ako uuwi nito?

Gusto kong tawagan si mommy pero lowbat na ako. Ang malas nga naman kasi talaga!

"Gail!"  Naiiyak kong nilingon yung tumawag sakin at lalo akong naiyak. Si Mark!

"Anong ginagawa mo dito?! Anong oras na! Di mo ba alam na delikado na ang ganitong oras?!"

"Eh kasi..."  Hindi na ako nakapagsalita ng maayos dahil naiyak na talaga ako. Akala ko katapusan ko na! Akala ko mabubulok na ako dito!

"Maaraw naman kasi kanina..."

"Kahit na!"  Mula sa galit nyang mukha ay naging malumanay sya at pinunasan yung luha kong tumutulo sa pisngi ko.

"Oo na, kasalanan ko na. Pasabay nalang pauwi."

"Di pa ako uuwi eh. Pero sayo na muna 'tong payong ko."

"H-Ha? Saan ka ba pupunta?"

"Kanila Michael."

"Bakit di mo gamit yung sasakyan mo?"

"Coding. Basta, gamitin mo na yan."  Inabot nya sakin yung payong kaya medyo nag-panic ako.

"T-Teka! Paano ka?!"

"Tatakbo nalang ako."

"Baka magkasakit ka! Ang layo nun!"

"Okay lang."

"Anong okay lang--"

"Sige na, siguradong hinihintay na nila ako. Umuwi ka na. Be safe."

"Pero Mark----"

Hindi na ako naka-angal pa dahil tumakbo na sya sa malakas na ulan at tuluyan ng nawala sa paningin ko. Aish!

Umuwi na ako agad at naligo. Nagkulong ako sa kwarto ko. Paano kung magka-sakit si Mark? Dahil sa akin yun!

Hindi ako mapakali. Lalong hindi ako makatulog. Kaya minabuti kong tawagan nalang sya.

Nakadalawang ring pa bago nya sinagot.

(H-Hello?)  Napasimangot ako ng narinig ko yung garalgal nyang boses.

"Mark, hindi ka okay. Sorry, kasalanan ko."

(H-Hindi ah. Ayos lang ako.)

"Hindi kaya! Ikaw kasi eh! Ang kulit mo."

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon