Sa mga nagtatanong po kung saan maaring maka-avail ng book. Sa PHR store po pero kung wala naman sa online po sure na meron. Precious shop o kaya kay Kels Pb and Charmangel's pocketbook sa fb. Mga trusted on line seller sila.
_____
"MOMMY, I promise that I won't cry anymore when you leave again."
"Wow! Talaga!? That's good, baby," niyakap ni Preyh ang anak habang nakahiga sila nito sa kama.
"Ashlee told me, I should be a good girl and always be obedient. So that, God will grant my wishes."
Si Ashlee ang kaklse nito sa bagong pinapasukang eskwelahan. Nakilala na niya ang nanay ng bata. Ang alam niya ay hiwalay 'yon sa tatay ni Ashlee at may bago ng asawa na may anak naman sa una rin nitong kinasama. Kuwento iyon ng yaya ng bata na saksakan ng tsismosa, na kahit hind naman tinatanong ay nagkukuwento.
"Hmm! And what wishes would you want to be granted?"
"My wishes would be to ask God are to see my daddy and won't leave again!" Magiliw nitong sabi. Napapikit si Preyh sa sinabi ng anak.
"Mommy, can you help me to pray, para sa birthday ko nandito na si daddy," ngumiti at tumango na lang siya.
"Yehey! Thank you mommy! Ashlee was praying every day. And then, when her seventh birthday had came, her daddy showed up. She also said that God, will grant my wishes on my seventh birthday."
Bakas ang kasiyahan at excitement sa mukha at boses nito. Mas lalo naman siyang nalulungkot dahil alam niyang hindi magkakaroon ng katuparan ang kahilingan nito. Malapit na rin ang kaarawan ng bata.
"Okay, let's pray then," agad namang bumangon ang bata. Ito pa ang nanguna sa pagdarasal.
"Amen!" Pagtatapos nila sa dasal. Pinahiga niya uli ang anak at kinumutan.
"I love you, mommy!"
"I love you too, sweetie!" Nag-kiss sila nito sa labi saka naman pumikit ang bata.
Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri. Tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. She grabbed it and her lips twitched into a little smile when Aiken's name flashed on the screen. She swiped the screen to answer the call.
"Hello."
"Hi, hon. Bakit hindi ka pa umuuwi? Lagpas ka na ng isang araw," may himig ng lungkot ang tinig nito.
"Sorry, busy lang. Just give me two more days, babalik na ako diyan," rinig niya ang marahas na pagbuntong hininga ni Aiken sa kabilang linya.
"Aiken, just two days. Okay," buntong hininga uli ang narinig niya.
Napangiti na lang siya dahil sa isipang sobra siya nitong pinangungulilaan ay talagang kinikilig ang buong sistema niya. Dapat kasi ay kahapon pa ang balik niya ng Manila ang kaso'y umalis ang pinsan niya at pinuntahan ang nobyo nitong galing Hong Kong. Ayaw naman niyang iwan si Izzy sa yaya lang nito.

BINABASA MO ANG
Prince of Speed (Published under Red Room)
RomanceSi Aiken Jimenez ay kilala bilang mahusay na race car driver. He known as "Prince of Speed", but he opted to stop racing and pursuing his dream to be part of Formula 1 for a reason. Kilala din siya sa pagiging pihikan at mataas ang pamantayan sa...