Hi Precious Gift, thank you very much for letting me use your name for my novel. Ate Reghie and Alaissa you're next.
____
ARAW ng kasal.....
KASALUKUYANG nasa harap na ng dambana si Hendrix at Preyh at sinisimulan na ng pari ang seremonya ng kasal. Simpleng kasalan lang ang ginanap ayon sa kanyang kagustuhan. Malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang naroroon. Para siyang namatayan sa mga oras na iyon. Si Aiken ang nasa isip niya sa mga oras na iyon.
Nang tanungin ng pari kung sino ang tumututol sa kasalan ay bigla namang may umagaw sa atensiyon nila nang may lumapit sa kanila. Nang lingunin niya ito ay laking gulat niyang si Francis iyon.
"Francis! Anong ginagawa mo dito?" manghang untag niya.
"Kilala mo siya?" tanong naman ni Hendrix sa kanya.
"Yeah. He's Aiken's friend," sagot niya na ikinagulat ni Hendrix.
"Aiken Jimenez? K-kilala mo si Aiken?" hindi makapaniwalang tanong nito at siya man ay nagulat din na mukhang kilala rin ni Hendrix si Aiken.
"May kailangan kang malaman, Preyh. Hindi ko alam kung paano 'to sasabihin pero kailangan mo talagamg malaman 'to e," ani Francis na bakas ang pagkabalisa. Binaling nito ang atens'yon kay Hendrix.
"Dude, diba sinabi kong may girlfriend si Aiken, at gusto na niya itong pakasalan? Siya 'yon dude." Napasabunot pa si Francis sa sariling buhok.
"Pambihira naman oh! Precious. Preyh! Haist! Iisa lang pala." Naguguluhan si Preyh na tumingin kay Hendrix at kitang-kitang niya ang pagkagulat nito habang nakatingin sa kanya.
"Kilala mo si Aiken?" tanong ni Preyh.
"Ikaw ang girlfriend ni Aiken," halos pabulong ang salitang lumabas mula sa bibig ni Hendrix at kapagkwan ay napahilamos sa sariling mukha.
"Can you please enlighten me what's going on! Kilala mo si Aiken!" Medyo umalsa na ang tinig niya.
"And you, Francis. What are you.. Ugh! Tell me!" Bigla na lang siyang hinawakan ni Hendrix sa kamay at inakay siya palabas ng simbahan. Hindi na nila alintana ang pagbubulungan at naguguluhang mga tao. Lumabas sila ng simbahan.
"Preyh, I'm sorry. Hindi ko kasi alam.."
"Ang ano?!" Naiirita at naiinip niyang tanong.
"Kaibigan ko si Aiken. Kasama siya noon.." Napaawang ang labi ni Preyh sa sinabi ni Hendrix.
"And... siya ang... Ang gumalaw sa 'yo." Napamulagat siya sa sinabi ni Hendrix.
"But Preyh, wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat. Akala niya kasi kusa kang sumama noon. Binalikan ka niya pero wala ka na sa resort."
Natutop niya ang sariling bibig at hindi na napigilan ang luhang nag-unahan sa pagpatak. Ang mga tao sa simbahan ay lumabas na rin at nagtanong na ang mga magulang nila kung anong nangyayari.
"Si Aiken... Siya ang tatay ni Izzy. Bakit hindi mo sinabi!?" halos sumigaw na si Preyh.
"I'm sorry. I just thought that this is the right thing to do, because I was the one who responsible for all of this. Aiken is happy now at magugulo lang siya kung sasabihin ko sa kanya ang lahat. Kung alam ko alam sana na ikaw ang girlfriend—"
"I need to talk to him!" Sansala niya sa sinasabi ni Hendrix. Halos mataranta si Preyh sa nalaman.
Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari pero isa lang ang nararamdaman niya. Masayang-masaya siya. Masaya siyang malaman na si Aiken ang lalaking iyon. Si Aiken ang tatay ng anak niya. Dapat siyang magalit dahil sa ginawa nito pero sa totoo lang ay wala siyang nararamdamang kahit katiting na galit, bagkus ay masayang-masaya siya.
Kasalukuyan.....
"I'M sorry, Preyh. Hindi ko sinasadya, binalikan kita—" Hinawakan ni Preyh ang mukha ni Aiken at ang hinlalaki ay nilapat sa labi nito.
"I know, they told me everything. Hindi ako galit, masayang-masaya ako na ikaw 'yon. Don't you see, Aiken? Ikaw lang ang naging lalaki sa buhay ko. Tanging ikaw. I've never been with another man. Iyong mga kwento ko about flings, about making out and slept with the different men. Hindi iyon totoo lahat. Tanging ikaw lang."
Siniil siya ni Aiken ng halik sa labi at muli siyang tinitigan.
"Precious Gift Herrera, gusto kitang makasama habang buhay. Gusto kitang alagaan at mahalin habang buhay. Gusto kitang maging asawa. Papakasalan mo ba ako?" siniil niya si Aiken ng isang madamdaming halik at pagkaraan ng ilang sandali ay tumigil siya at buong pagmamahal na tinitigan si Aiken.
"Gustong-gusto ko. I want you to be my husband." Lumapad ang pagkakangiti ni Aiken at buong higpit siyang niyakap nito.
"Mahal. Na. mahal. Kita." Bulong nito at ang bawat kataga ay ramdam niya ang sobrang pagmamahal nito sa kanya.
"Mahal na mahal din kita." Napayuko ang dalawa nang yumakap si Izzy sa kanila.
"Mahal ko rin kayo," malambing na wika ng bata habang nakayapos sa kanila. Agad na bumitaw si Aiken sa kanya at agad na kinarga si Izzy at pinakatitigan ito.
"Gusto mo ba akong maging daddy, Izzy," ngumiti ang bata at tumango. Maluha-luhang niyakap ito ni Aiken.
"I'm so sorry, naghirap kayo nang husto. Kung noon ko pa sana nalaman." Kinabig siya ni Aiken at mahigpit naman niyang niyakap ang kanyang mag-ama. Naluha siya sa sobrang kaligayahang nadarama.
Masuwerte siya at matalino si Izzy. Hindi man nito lubos na maunawaan ang mga bagay-bagay pero agad nitong tinanggap ang mga nakakalitong pangyayari. Ipinaliwanag nila ni Hendrix sa paraan na mas madali nitong mauunawaan. Kaya rin pala titanong ni Hendrix kung sino ang naghatid sa kanya noon dahil parang si Aiken daw ang nakita nito.
Wala nang nagawa ang lolo niya nang lisanin niya ang simbahan kanina. Nangialam na talaga ang kanyang daddy lalo nang malaman nitong hindi talaga si Hendrix ang tatay ni Izzy. Naunawaan naman niya si Hendrix na inako nito ang kasalanan alang-alang sa mga kaibigan nito, dahil siya naman daw ang may kasalanan ng lahat. Lalo na nang makita nito si Izzy ay talagang naawa ito sa bata.
BINABASA MO ANG
Prince of Speed (Published under Red Room)
Lãng mạnSi Aiken Jimenez ay kilala bilang mahusay na race car driver. He known as "Prince of Speed", but he opted to stop racing and pursuing his dream to be part of Formula 1 for a reason. Kilala din siya sa pagiging pihikan at mataas ang pamantayan sa...