"PREYH, bakit?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Hanilyn. Agad siya nitong giniya sa sala at pinaupo sa mahabang sofa. Mula Manila ay bumayahe siya hanggang Bulacan. Hindi man lang naampat ang kanyang luha.
"Nasabi mo na ba? Hindi ba siya pumayag?" tanong ni Hanilyn habang hinihimas ang kanyang likod.
"Nakita ko siya ate. Kilala ko na siya," aniya sa pagitan nang kanyang mga hikbi.
"Sino?" huminga ng malalim si Preyh.
"Ang lalaking bumababoy sa 'kin. Si Hendrix! Oh my god! Siya pala. Siya ang tatay ni Izzy. Hindi ko akalain na makikita ko siya."
Wala namang masabi ang pinsan niya kundi ang yakapin siya. Siguro ay naisip nitong hindi ito ang panahon para mag-usisa pa.
"Mommy," agad niyang pinunas ang luha nang marinig ang anak. Kasama nito ang yaya.
"Izzy, bakit gising ka pa?" tanong ni Hanilyn.
"Bigla na lang pong nagising nang marinig ang ugong ng sasakyan," paliwanag ng yaya nito.
Tumakbo ang bata sa kanya at agad siyang niyakap.
"Is that true, mommy? Have you seen, daddy? Why are you crying? Diba dapat happy ka kasi nakita mo na si daddy? Bumalik na siya." Lalo lang siyang umiyak at sinuklian ng mahigpit na yakap ang anak.
HANGGANG ngayon ay sakop ng matinding pagkamuhi ang dibdib ni Preyh. Gusto niyang saktan si Hendrix, gusto niyang magbayad ito sa kahayupang ginawa nito sa kanya. Tinawagan siya ng kanyang ama at pinauuwi siya nito. Sa tono nito ay mukhang alam na nito ang pinagtalunan nila ni Hendrix.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kabahayan nila. Kahit ang katulong na bumati sa kanya ay hindi na niya pinansin pa. Mabilis na bumababa ng hagdan si Alaissa nang makita siya at mabilis din ang paglapit ni Clarisse na galing naman sa may pool area karga ang anak nito.
"Ate," halos sabay na tawag ng dalawa.
"Ate ano bang nangyayari? Hindi namin maintindihan," tanong ni Alaissa.
"Asan sila?" she asked instead of answering her sister.
"Sa office ni dad."
Mabilis niyang iniwan ang dalawa at patakbong umakyat ng hagdan. Tuloy-tuloy niyang tinungo ang opisina ng ama at walang pasubaling binuksan ang pinto na bahagya pang ikinagulat ng lahat.
Nandoon ang ama niya, ang kanyang ina at ang mag-asawang Hernandez. Maging si Hendrix ay nandoon din. She entered the room and shut the door behind her. Agad na tumayo si Helen ang ina ni Hendrix at sinalubong siya.
"Preyh, hija, nagmamakaawa ako! Pag-usapan natin 'to," mangiyak-ngiyak na pakiusap ng ginang. Iniwas lang ni Preyh ang tingin dito.
Tumayo ang mommy ni Preyh at agad siya nitong niyakap na umiiyak.
Inutusan siya ng ama na umupo at ginawa naman niya. Umupong magkatabi ang mag-ina sa may kalakihang pang-isahang sofa at si Helen ay umupo sa tabi ng sariling anak na nasa mahabang sofa katabi ni Joseph.
"Ngayon mag-usap tayo—"
"Walang pag-uusapan dad. I just came here para ipaaalam that I will file a case against him!" Matigas ang bawat katagang binitawan niya.
Ngayon wala na siyang pakialam pa kung malaman man ng buong mundo ang nangyari sa kanya. Punong-puno ng galit ang puso niya at tanging gusto niya ngayon ay mapagbayad si Hendrix.
"Oh! Please, hija, I'm begging you!" Naiyak nang tuluyan si Helen na napahawak pa sa dibdib. Agad naman itong niyakap ng asawa at pilit na pinapakalma. Si Hendrix naman ay napayuko na lang.
BINABASA MO ANG
Prince of Speed (Published under Red Room)
RomanceSi Aiken Jimenez ay kilala bilang mahusay na race car driver. He known as "Prince of Speed", but he opted to stop racing and pursuing his dream to be part of Formula 1 for a reason. Kilala din siya sa pagiging pihikan at mataas ang pamantayan sa...