CHAPTER 22

189K 4K 364
                                    

NAKAUPO si Preyh sa sofa na yari sa rattan sa lanai habang nakatingin sa kawalan. Hindi niya alam ang gagawin niya, lalo na kay Izzy na walang ginawa kundi ang umiyak. Tumanggi siya at nanindigan na hindi magpapakasal kay Hendrix. Si Aiken ang mahal niya. Narinig lahat ni Izzy ang pagtatalo nila ni Senior Maximo, at muli ay halos maglupasay ito habang nagmamakaawang 'wag ipagpapalit sa iba ang daddy nito. Halos hindi siya nito pinapansin at nagkukulong lang sa kwarto.

"Mommy, please, mahalin mo na lang ulit si daddy. I like Tito Aiken, but he's not my daddy! Ayaw kung maging katulad ni Ashlee at ni Cinderalla na inaaway ng mga stepsisters. Ashlee told me na 'wag akong papayag na magkaroon ng ibang daddy kasi malungkot!"

Nang subukan niyang ipaunawa ditong si Aiken ang mahal niya ay agad itong umiyak at magmukmok na lang sa silid. Kahit sa pagkain ay hindi niya mapilit. Napukaw ang diwa niyang naglalakbay nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Marahan niyang ibinaling ang ulo dito.

"Dad," walang gana niyang usal at muling ibinalik ang tingin sa kawalan. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa pagitan nila hanggang sa basagin ito ng kanyang ama.

"Hindi kita pipiliting magpakasal kay Hendrix. Sa pagkakataong ito hindi na kita papakialaman. Gawin mo ang sa tingin mong tama."

Muli siyang tumingin sa ama. Totoo ba ang naririnig niya? Ang ama niya na gustong ipalaglag ang anak niya noon, ang ama niyang gustong

ipamigay ang anak niya noon, ang ama niyang naging dahilan nang pagkakalayo nila ng kanyang anak.

"Ano ba ang tama dad? Ang magpakasal kay Hendrix para isalba ang kompanya natin, at para sa kaligayahan ni Izzy o ang gusto ko para sa sarili kong kaligayahan?"

"Naging sunod-sunuran ako sa papa dahil sa takot na itakwil ako katulad nang ginawa niya kay Ate Marjorie. Halos pinahirapan ni papa ang ate at ang pamilya nito ng halos ilang taon. Hinaharang ang bawat trabahong pinapasukan, ang maliit na negosyong itinayo nila ay nagsara rin dahil sa kagagawan ni papa. Kaya naisipang mangibang bansa nila ate kasama ang pamilya para makalayo sa papa. Natakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa inyo." Tahimik na nakikinig lang si Preyh.

"Maniniwala ka ba sa 'kin kung sasabihin ko sa 'yo na pina-imbestigahan ko ang nangyari sa 'yo noon?"

"You did?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ang kanyang ama.

"Palihim akong nagpa-imbestiga noon, pero wala namang nakuhang impormasyon man lang ang mga awtoridad. Mula sa bar na pinuntahan mo hanggang sa resort na pinagdalhan sa 'yo. Naisip ko na makapangyarihan ang pamilya ng mga gumawa sa 'yo n'on kaya marahil ay nalinis agad nila ang krimeng ginawa nila. I didn't pursue things any further dahil sa reputasyon ng pamilya na pinakaiingatan ni papa, and for your own sake. Maniwala ka man sa hindi, ayaw kong masira ang buhay mo noon dahil sa nangyari sa 'yo. Mahal kita anak, maniwala ka man sa hindi."

Bigla na lang ang pagpatak ng luha niya dahil sa narinig mula sa kanyang ama. Bata pa siya ng huling sabihin 'yan sa kanya ng kanyang ama. Simula noong magdalaga siya ay hindi na niya narinig pa 'yon. Kinabig siya ng kanyang daddy at masuyong niyakap. Lalo siyang naiyak at napayakap din dito.

"Kung ano man ang maging desisyon mo, tatanggapin ni daddy."

It's really hard for her to make a decision. Her daughter's happiness over Aiken.

Oh God! What should I do?!

"Ate!" Bigla ang pagsulpot ni Alaissa na humahangos kaya kumalas siya mula sa pagkakayakap sa ama.

"Izzy passed out!"

"What!?" bulalas niya, para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig sa biglang pamamanhid ng buo niyang katawan.

Prince of Speed (Published under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon