Chapter 25

249K 4.4K 654
                                    

Ito  po  wala  sa  book.  Old  version  na  hindi  ko isinama sa book.  Hindi  ko  na  rin  to  edit  kaya  dko  sure  kong  sakto  lang  ito  sa  book  version. hehe! Hindi ko na kasi  ito  inalis  dito  sa  watty. Nasa  draft  lang.  Kaya pati note sa baba  hindi na rin naalis. Hehe!

MABILIS na lumabas si Aiken ng bahay at tinungo ang gate. Binuksan niya ang maliit na gate na para sa tao lang. Nabungaran niya si Hendrix na nakatayo sa labas. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin, kung paano niya ito pakikitunguhan.

"Dude," basag ni Hendrix sa pagkakatahimik niya. Nilakihan niya ang gate senyales na pinapapasok ito.

"Nandiyan ba si Preyh?" His brows in line. Si Preyh ba ang pinunta nito dito?

"May kasama ako," anito at tinalikuran siya, nagtungo ito sa sasakyan at pinagbuksan ang sino man ang nasa loob ng sasakyan. May isang magandang babae ang lumabas mula doon. Kamukhang kamukha ni Preyh actually.

His eyes squinting, trying to recall the girl.
"Dude, si Alaissa, kapatid ni Preyh," pakilala ni Hendrix. Ngayon naalala na niya. Nakita na niya ito sa larawan na nasa condo ni Preyh.

"Hi," bati ni Alaissa sa kanya.

Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang dalaga dahil sa itsura nito. Tanging malaking puting t-shirt ang suot nito at tingin niya ay si Hendrix ang nagmamay-ari nito. Ibinalik niya ang tingin kay Hendrix. Nanghuhusga ang titig niya para sa dating kaibigan.

"Wala akong ginawa sa kanya kung 'yan ang iniisip mo," depensa ni Hendrix na mukhang alam na ang tumatakbo sa isip niya.

"Hon, sino 'yan?" Narinig niya ang pagtawag ni Preyh. Pinapasok niya ang dalawa. Agad naman silang sinalubong ni Preyh na bakas ang pagkagulat nang makita si Alaissa.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Saan ka galing? Wala ka sa kasal kahapon. Magkasama kayo ni Hendrix?" Sunod-sunod na tanong ni Preyh at kapagkuwan ay binalingan naman nito si Hendrix.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko, Hendrix?!" Galit ang tono nito.

"Ate wala siyang ginawa. Tinulungan lang naman niya ako," ani Alaissa.

"Lasing na lasing siya kagabi. Tinawagan ako ng isang staff ng bar dahil pangalan ko raw ang tinatawag e. Uminom ng mag-isa sa bar--"

"What!?" Halos sumigaw si Preyh na hindi na pinatapos ang sasabihin pa ni Hendrix.

Kapansin-pansin naman ang pamumula ni Alaissa sa tinuran ni Hendrix na binabanggit nito ang pangalan ng binata.

"Pambihira ka naman Alaissa! Alam mo naman kung anong nangyari sa 'kin diba? Gusto mo bang mangyari din sa 'yo ang nangyari sa 'kin? Alam mo namang ang dami-daming gago dito!" Halos namumula sa galit si Preyh sabay pukol ng matalim na tingin kay Aiken at Hendrix.

Aiken held up his hands.
"Wala akong kasalanan sa nangyari sa 'yo," depensa ni Aiken sabay tingin kay Hendrix.

"Hindi naman ako ang nang-rape sa 'yo e," depensa rin ni Hendrix.

"Bwesit!" Preyh uttered, dragging Alaissa inside the house.

"Mag-uusap tayo, gago ka!" Ani Aiken kay Hendrix at nagpatiuna na sa loob ng bahay.

"Daddy Hendrix!" masiglang tawag ni Izzy nang makita ito. Lumapit si Izzy kay Hendrix at umuklo naman si Hendrix para pumantay sa bata.

"Hi, baby. Hindi ka ba galit sa 'kin?" Umiling-iling si Izzy.

"Basta don't lie again ah. 'Wag mong aagawin ang mommy ko sa daddy ko." Ngumiti si Hendrix at maging siya ay napangiti rin sa sinabi ni Izzy.

Umupo ang dalawa sa mahabang sofa sa sala.
"Bakit mo inako ang anak ko? May gusto ka ba kay Preyh?" tanong niya kay Hendrix.

Prince of Speed (Published under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon