My Bastard Ex

247K 3.9K 201
                                    

Hindi 'to Preyh and Aiken.. Regina and Matthew's story. Trailer lang 'to.

______

Buong kasabikang naglalakad si Reghie sa corridor ng Galvez' building para puntahan ang limang taon niya ng kasintahan na si Matthew Del Prado sa opisina nito. Gusto niya itong ayain lumabas para mag-celebrate at batiin na rin dahil ito na ngayon ang vice president ng Galvez Group of Companies. Ang pag-aari ng pamilya ng kaibigan niyang si Iñigo Galvez na siyang Presidente na ngayon ng kompanya. Del Prado family is the second major shareholder in Galvez Group of Companies.

"Hi, Maya!" Reghie greets Matthew's secretary with a radiant smile. Napaangat ng ulo ang sekretarya na kanina ay halos nakasubsob sa kung ano man ang pinagkakaabalahan.

"M-Ma'am Reghie, ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Maya na ikinakunot ng noo niya dahil sa biglang pagkataranta nito. Pero sa halip na sagutin niya ito ay tumuloy na siya sa pinto at buong kasabikang binuksan ito at pumasok.

Hindi niya nadatnan si Matthew sa loob. Lumapit siya sa desk nito. Nakita niya ang coat nito na nakabit sa coat hook rack.

"Asan 'yon?" naisip niyang baka lumabas lang. O kaya nando'n sa opisina ni Iñigo. She turned to leave the office. Half way na siya sa pinto nang bigla niyang narinig ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya muli siyang tumigil at nilingon ito.
Pero para siyang tinulos sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya sa mga oras na ito ay hihimatayin siya sa biglang paninikip ng kanyang dibdib sa nasasaksihang tagpo sa mga oras na 'to.

"B-Babe!" Matthew said, his voice was barely a whisper and tense. Reghie raised her chin, clenched her fists as her chest heaved up and down.

Sa itsura pa lang ng palikero niyang boyfriend e alam na alam na niya kung anong bagay ang pinag-kaabalahan nito sa loob ng banya. Shirtless ang tarantado at butil butil ang pawis sa dibdib at may kasama lang namang malanding babae.

Ang babaeng minsan na niyang nakita sa loob ng opisina ni Matthew na nakaupo sa ibabaw ng desk habang nakapulupot ang mga binti sa baywang nito at nakikipaglaplapan lang naman sa nobyo niya. Si Vivienne ang sikat na sexy actress.

"B-babe, let me explain. Kung ano man ang iniisip mo, mali. Okay." Mali! Mali naman talaga ang nakikita niya.

Hindi na talaga magbabago pa ang hayop! Kung kailan kasi sila tumagal ng limang taon ay ngayon pa talaga nagloloko. Siguro ay nagsasawa na ito sa kanya kaya naghahanap na ng bago.

Tumalikod siya para sana umalis pero natigilan siya dahil sa nahagip niyang ngisi sa mukha ng hitad. Napapikit siya at nagpakawala ng marahas na paghinga. Muli niyang hinarap ang dalawa at sinalubong ang titig ng babae.

Marahan siyang lumapit sa dalawa. Ang matalim niyang titig kay Vivienne ay lumipat kay Matthew na animoy asong nabahag ang buntot.

"Isang tanong. Isang sagot. Mahal mo pa ba ako? O siya na ang mahal mo? Buong puso kitang ibibigay sa kanya." Nakatiim bagang niyang tanong.

"B-babe--"

"Sagot!" She squealed loudly.

"Ikaw, ikaw, syempre ikaw, walang namamagitan sa amin ni Vivienne, hayaan mo akong magpaliwanag," tarantang tarantang sagot ni Matthew. Muli niyang tinignan ang babae.

"Did you hear him?!" Buong tapang at kompansya niyang tanong sa babae.

Kita rin niya ang inis sa mukha ng babae. Natural na mainis ito dahil harapan siyang tinanggi ni Matthew. Kahihiyan iyon para dito dahil ang isang pantasya ng bayan na katulad nito ay itatanggi lang ng isang lalaki.
Taas noo siya nitong tinitigan at nilagpasan siya na nabangga pa ang balikat niya.

"By the way Matt, you never fail me. I have a great time with you. Next time again, bye!" Lalong parang kumulo ang dugo niya sa narinig.

"B-babe," she held up her hands.

"Save it, Matthew, wala ka na talagang pagbabago," tinalikuran na niya ito pero hindi para umalis. Umupo siya sa leather sofa na nandun. Sumunod naman si Matthew habang sinusuot ang isang abu na t-shirt.

Nagpalit pa ng damit! Ano 'yon, pinamunas niya sa tamod nila ang polo niya? Napapikit siya at napasentido sa sariling naisip.

Umupo si Matthew sa tabi niya.

"Redge, Babe, walang nangyari--" muli niyang itinaas ang isang kamay niya para patigilin ito. Hindi siya tanga para isiping walang nangyari pero ayaw niya nang marinig pa ang paliwanag nito.

Again, magpapakatanga at magpapakamartir siya. Kaya pa naman niya eh. Kahit gustong-gusto ng sumabog ng dibdib niya. Gumawa siya ng isang maingay ng buntong hininga at hinarap ito.

"Tell me, Matthew. Ano ba talaga tayo? Ganito na lang ba talaga tayo?" hinawakan ni Matthew ang kamay niya, ikinulong sa sariling kamay nito.

"Babe, mahal kita, mahal na mahal."

"Handa kang pakasalan ako?" tanong niya dito. Marahan nitong pinisil ang kamay niya.

"Redge, we're still young. Dadating tayo d'yan but not now," bullshit! Malalagas na ang edad nito sa kalendaryo. Anong bata doon?

"Kailan?" she asked. Matthew released an audible sigh. Bakit pa ba siya nagtatanong kung alam naman niyang wala siyang makukuhang sagot mula dito.

"What if, sabihin ko sa 'yong buntis ako. Anong gagawin mo?" Pagak na tumawa si Matthew.

"But that's impossible. Maingat tayo diba? You're taking birth control pill."

"What if?!" Mataman siyang nakatitig dito. She was hoping na may magandang sagot siyang maririnig mula dito.

"Redge, you know that I'm not ready for that. Kaya nga maingat tayo diba?" halos bumagsak ang balikat niya sa pagkadismaya. She pulled her hand from his grasp.

"Okay," she uttered, slowly she pulled herself to her feet.
"Regde, babe," hinawakan ni Matthew ang kamay niya.

"Let's talk some other time," hindi na niya ito tinapunan ng sulyap at mabilis na niyang tinungo ang pinto at lumabas.

Mabilis niyang tinungo ang elevator. She boarded the lift and pressed the ground floor button, leaning against the stainless wall. Sinapo niya ang tiyan niya.

"I'm sorry, baby, mukhang lalaki kang walang tatay," doon rumagasa ang luhang kanina pa niya pinipigil.

Sabik siya kaninang puntahan ito para ipaalam ang kalagayan niya pero sa mga nasaksihan niya at sa mga sagot nito. Wala itong karapatan na maging ama ng anak niya.

Palalagpasin sana niya ang nakita niyang tagpo pero sa mga sagot nito sa kanya. Parang wala talaga itong balak magkaanak. Ayaw naman niyang pakasalan siya nito dahil lang sa buntis siya or worst ay hindi siya panagutan. Mas masakit 'yon.

Paano kung pagkatapos ng apat na taon ay bumalik si Reghie na may anak at asawa na?

Paano kung matuklsan ni Matthew na anak niya ang bata?

Paano kung may hinala si Matthew na ang asawa ni Reghie ay isang paminta at hindi straight?

Dahil sa gusto niyang patunayan ang hinala niya na isa itong paminta. Hihingi siya ng tulong sa mga kaibigan na si Iñigo at Aiken para akitin ang asawa ni Reghie para bumigay at lumadlad.

Ano ba ang kahinaan ng mga lalaking pusong babae? Taglilimang pisong pandesal with matching jumbo hotdog. Haha! 

Posted Already!!!




Prince of Speed (Published under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon