CHAPTER 1

475K 8.6K 684
                                    

Patulong uli sa grammar.. hehe! sa mga words na hindi kanais-nais ay patawad dahil ang bida dito ay baliw...


--------------------------------

"God, Precious Gift, asan ka na ba?! Ano feeling mo ikaw ang bride?!" pagtatalak ni Reghie sa kaibigan sa telepono.

Ngayon ang araw ng kasal ng kaibigan nilang si Cassandra Lopez at Iñigo Galvez. Pero ang kaibigan niya ay hanggang ngayon wala parin.

"Nandiyan na ba si Andra?" kalmadong tanong ni Precious.

"OO! Nandito na! Kapag hindi mo binili--" natigil sa pagsasalita si Reghie ng may tumulak ng pagkalakas-lakas sa ulo niya na muntikan na niyang ikasubsob. Nilingon niya ang lapastangan na gumawa noon sa kanya. Tatawa-tawang si Precious lang naman ang nasa likod niya.

"Ang ingay mo, ang sarap mong subuan ng titi," ani nito. Napa-sus-meryosep ang tao sa paligid lalo  na ang matatanda. Precious cleared her throat.

"Tea. Tea. Hot tea, cold tea, milk tea. You know, ang dudumi naman ng utak," sabay hila nito kay Reghie palayo. Saka naman humagalpak ng tawa si Reghie na kanina pa nagpipigil.

"King-ina mo Reghie, will you please shut up! Nagkakasala na naman ang bibig ko dahil sa'yo, nasa-simbahan pa naman tayo."

"Sabi ko na nga ba eh, may na-miss ako sa'yo-- and those are poopy words from your pottymouth," natatawang sabi ni Reghie.

"Nag-salita ang may banal na bibig. Buti na ang poopy words ang lumabas sa bibig ko, kesa naman sa'yo na titi ang labas masok," sabay tawa nito ng malakas. Mabilis na hinila ni Reghie ang buhok niya.

"At least, isang uri ng monster lang nakakapasok sa bibig ko."

"Whatever," natigil sa pag-babangayan ang dalawa ng tawagin na sila ng wedding coordinator.

"Oh, wait. May dapat kang ipaliwanag sa 'min? Almost two months kang nawala at walang ni-hoy ni-hay. Where have you been?"

"Nothing. Vacation," hinila na nito si Reghie at hindi na rin nagtanong pa ang huli. Pumwesto na sila sa labas ng simbahan.

Nagsimulang mag-martsa ang mga abay ng kasal. At ngayon ay sila na ang susunod, si Reghie ang nauna at sumunod si Preyh, silang dalawa ang maid of honor ng kaibigan nilang si Andra.

Nang nasa kalagitnaan na si Preyh ng pasilyo, ay bigla ang pagkabog ng dibdib niya ng mahagip ng mata niya si Aiken na matamang nakatitig sa kanya. Agad siyang umiwas ng tingin dito at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makaupo siya.

Sumunod naman ang pagpasok ng kaibagan nilang si Andra sa simbahan. Suot nito ang napaka-eleganteng traje de boda. Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha nito. Napatingin siya sa groom at napangiti ng makita niya ang kabadong si Iñigo na titig na titig kay Andra. Masayang-masaya siya para sa kaibigan niya dahil sa lahat ng pinagdaanan nitong hirap noon,  ngayon ay natagpuan na nito ang kaligayahan. 

Agad na napawi ang ngiti niya ng makita ang tiim bagang at madilim na mukha ni Aiken na nakamasid sa kanya. Bigla ang pagkabalisa niya at panay ang buntong hininga niya, sa isipang nakatitig sa kanya ang lalaki.

Nagsimula at natapos ang may pagka-comedy na kasal ng kaibigan dahil sa mukhang tanga niyang kaibigan na sumagot ng 'I do' kahit hindi pa iyon ang tanong. Tumayo siya para sa picture taking na gagawin.

Lumapit muna siya kay Andra at binati ito.
"Andra, congrats!" magiliw niyang bati dito at nagyakap ang dalawa.

"Preyh, saang lupalop ka ba ng galing at bigla ka na lang nawala?" untag ng kaibigan niya. Bubuka palang ang bibig niya at sasagot sana ng kalokohang sagot ng biglang may nagsalita mula sa likod niya.

Prince of Speed (Published under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon