MUGTO ang mata ni Preyh dahil sa magdamag na pag-iyak. Halos bukang liwayway nang siya ay makatulog at maaga ring nagising hindi pa man tumitirik ang araw. Maghapon lang siyang nakahiga at kahit ang cellphone niya ay pinatay niya. Ang tangi niyang gusto ngayon mapag-isa lang, ni hindi siya makaramdan ng gutom.
Hindi niya alam kung paano sisimulan ang araw. Hindi matanggap ng puso niya na tuluyan nang mawawala si Aiken sa kanya. Mahigpit siyang napakapit sa unan at madiing napapikit at muli na namang bumuhos ang luha niya na hindi niya alam kung saan nagmumula dahil sa hindi maubos-ubos.
Napadilat siya nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Hindi siya kumilos. Ayaw niyang bumangon. Ang balak niya ay hayaan na lang kung sino man ang nasa labas na isiping wala siya sa loob. Pero mukhang walang balak umalis kung sino man iyon dahil wala itong tigil sa pag-door-bell.
Sa namimigat na katawan ay pinilit niyang ibangon ang sarili. Ni hindi pinagkaabalahang ayusin ang sarili na lumabas ng silid. Tinungo niya ang pinto at inalis ang dalawang double-lock ng pinto. Marahan niyang binuksan ito. Halos mapaawang ang mga labi niya nang mabungaran ang taong hindi na niya inaasahang makikita pa niya. It was Aiken.
Wala siyang maisatinig. Gusto niyang itong tanungin kung bakit ito nandito. Humakbang si Aiken papasok at bigla na lang siyang niyakap nito. Muli ang pagbuhos ng luha niya.
"I'm so sorry," usal ni Aiken.
Halos pigain siya nito sa sariling mga bisig nito, pero gusto niya ang ganitong yakap. Kailangan niya ang ganitong yakap mula sa lalaking ito. Napayakap rin siya nang mahigpit dito, pero hindi niya sigurado kung ano ang pinunta nito. Babalikan ba siya nito? Kumalas ito mula sa pagkakayakap at marahang kinulong ang mukha niya. Pinahid ang mga luha niya gamit ang thumb-fingers nito. Pinakatitigan siya sa mata.
"I'm so sorry, kung iniwan kita. I was just shocked, pero 'wag mong iisiping hindi kita mahal. Mahal na mahal na mahal kita. Hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa 'yo. Mas lalo lang kitang minahal."
"Oh Aiken!" Muli siya nitong niyakap.
Hawak ng isang kamay nito ang likod ng ulo niya. Hinalikan siya nito nang paulit-ulit sa ulo. Parang sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyon, pero alam niyang nag-uumapaw sa kasiyahan ang dibdib niya. Kung kagabi ay pighati ang dahilan kung bakit parang sasabog ang dibdib niya, ngayon ay kaligayahan. Muling siyang tinitigan ni Aiken sa mga mata.
At kapagkwan ay siniil siya nito ng halik sa labi. Isang madiin and unmovable kiss. Muling nilayo ang labi at isang pino pero puno ng kaligayang ngiti ang sumilay sa labi ni Aiken.
"I love you," he said.
"I love you too!"
"Oh Precious! You don't know how much I wanted to hear those words from you." Idinikit nito ang noo sa noo niya.
"Marry me, Preyh," paanas nitong sabi.
"Pero may anak—" Aiken put his thumb on her lips.
"Oo lang, Preyh. That's all I want to hear," halos pabulong ang mga salitang lumabas mula dito habang nakadikit ang mga noo nila.
"Oo." Ngumiti ito at muli siyang hinalikan sa labi na buong puso niyang tinugon. Sinara ni Aiken ang pinto gamit ang paa.
Hinapit siya nito sa baywang at lalong lumalim ang halikan nila. Ang isang buong linggong paghihiwalay nila at pangungulila sa isa't isa ay parang fireworks na kumalat sa kalangitan. Lukob ng pagmamahal at kasiyahan ang kalooban nila. Dama ni Preyh ang pangungulila at pagmamahal sa kanya ni Aiken, sa halik at bawat hagod nito sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Prince of Speed (Published under Red Room)
RomanceSi Aiken Jimenez ay kilala bilang mahusay na race car driver. He known as "Prince of Speed", but he opted to stop racing and pursuing his dream to be part of Formula 1 for a reason. Kilala din siya sa pagiging pihikan at mataas ang pamantayan sa...