O M G

69 4 0
                                    

"Good Morning, class!" natigil ako sa pagpapantasya ko sa crush ko nang marinig ko ang bati ni Mam.

"Goodmorning, Miss." matamlay naman na sagot ng mga kaklase ko. Halatang tamad na tamad mag klase. Nagsi upo na kami at nagsimula ng mag discuss si Mam. Pero ako nakakatitig lang ako sa crush ko na si James. Omg! Ang gwapo niya talaga!

"Hoy, Nadine! Tigilan mo nga 'yang pagtitig mo kay James! Mamaya magulat na lang ang lahat, natunaw na pala 'yan." sabay tawa ng seatmate ko na si Alexia. Tss, panira.

Im Nadine Lustre. Nadine for short, 16 years old at ako ang pinababa ng Diyos para magkalat ng kagandahan dito sa lupa. Oo, may ganon. Seatmate ko naman ay si Alexia na bestfriend ko din!

Nakita ko naman na naglabas ng notebook si Alexia kaya ngalabas din ako ng akin.
"Class, copy your assignment." napairap naman ako sa sinabi ni Mam. Tss, kailan ba ako magkakaroon ng araw na walang assignment? jusko.

Imbis na sundin si Mam ay pinanood ko nalang ulit si James habang nagsususlat sakanyang notebook. Kahit nakatalikod siya ang pogi niya padin. Nakikita ko kung paano gumalaw ang mga muscles niya sa braso habang nagsususlat. Omg! Ang pogi na nga niya, ang yummy pa!

"Ang pogi mo talaga..." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa likod ni na nakaupo sa harap ni Alexia. Nagulat naman ako ng biglang lumingon sa pwesto ko si James! OMG! Nakatingin siya sakin! Nakita niya din akong nakatitig salikod niya! Double Omg!

"H-hi.." alanganing bati ko kay James. Pero hindi niya pinansin ang bati ko sa halip ay binalik niya na lang ang tingin niya sa sinusulat niya. Napasimangot naman ako don. Ang snob niya talaga! Pero sakin lang siya ganyan....

"Belle! Sabay ulit tayo mamaya ha?" naramdaman ko nanaman ang munting kirot sa dibdib ko ng marinig ko si James na tinanong yung seatmate niya na si Belle. Psh.
"Oo ba! Basta libre moko pamasahe. Haha!" napangiti naman si James sa sagot ni Bell sabay gulo sa buhok niya..

"Sige ba! Alam mo namang malakas ka sakin eh!" At nagsimula nanamn silang magharutan sa harap ko. Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanila at nagsulat nalang din.

First year palang ako crush na crush ko na si James Reid. Magkaklase kami niyan at kilala siya school dahil magaling siya kumanta at sumayaw. Kabi-kabila na ang natatanggap niyang awards. Talented na nga, hottie pa! Kaya nga lalo akong nahuhumaling sakanya! Haha!

Last year nung sumali siya sa isang dance competition dito sa school at doon siya nakitaan ng talento sa pagsasayaw. Oh diba! Galing ng lolo niyo! Charot.

"Belle!" Nabigla naman ako kay James ng bigla siyang sumigaw. Napatingin tuloy si Mam sakanya. Mapapagalitan nanaman siya!

"Mr. Reid! Whats with the noise all about?" nameywang si Mam sa harap ni James. Napakamot naman siya tuloy ng ulo.

"Eh miss, si Belle po kasi bigla po akong kinurot. Pasensya na po." nangingiting sagot ni James kay Mam. Belle na naman. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Ang shaket ha.

"Ayyiiieeee!" Umalingawngaw sa buong klase ang tukso sakanilang dalawa.

Tumingin naman si Mam kay Belle na nakayuko lang. "Sa susunod, wag kayong maghaharutan sa klase ko!" at pinagpatuloy na ni Mam ang discussion niya.

I sighed. I dont know pero sa tingin ko hindi na crush ang pagtingin ko kay James. I think..No, it cant be. Wala akong mapapala sakanya. Never niya pa akong pinansin. Sa apat na taon ng naging kaklase ko siya, never niya pa akong kinausap. Nanlumo naman ako sa isipan na yon.

----

"Nadine! Flowers oh!"
"Naddie! Chocolates!
"Nadz! Ganda mo talaga!"

Hinawakan ko nalang ng mabuti yung mga flowers na bigay ng mga admirers ko daw. Lunch na ngayon at naeexpose nanaman ang beauty ko.

OMG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon