Created by: DannaCtln
***
Ang hilig mong magpatama,
Akala mo naman hindi ko mababasa.
Subukan mo kaya ibaba yang pride mo,
Nang sa gayon ay maayos na ito.
Kung may sasabihin ka,
Sabihin mo ng harapan,
Hindi ung magpapatama ka pa,
Lubos mo na akong nasasaktan.
Alam mo ba kung gaano kahirap magbaba ng pride?
Ayy hindi mo nga pala alam,
Pinanglalaba mo lang ata ito gaya ng tide,
Sige patama pa! Akala mo naman hindi ko alam.
Hindi na ba talaga ito maayos pa?
Sasayangin mo nalang ba ung ilang taon?
Sayang naman ung ating mga ala-ala,
Kung ita-tapon mo nalang ito basta basta.