Natanaw ko ang iyong banaag,
Ang sistema'y dagli dagling nagkumahog,
Datapwat ika'y lubos na maagap,
Tumalilis ka na tila sabog.
Tinatahak ko na ang daan,
Patungo sa iyong kinaroroonan,
Nagbabakasakali na ika'y muling madatnan,
At ang nabanaag ay hindi balintataw.
Sa kama'y nakalupagi,
Tila tayo'y hindi talaga pinagtagni,
Na-aalala mo pa kaya ang aking pagkakandili?
Sa t'wing ika'y inaapi.
O tadhana, Ikaw na ang siyang kumilos,
Sa karanasang anaki mapait,
Huwag mong hayaan,
Na ang puso ko'y mapuno ng pasakit.