Pag ba kaibigan, kailangan mo nang magparaya?
Pag ba kaibigan, hindi ka na magpapaubaya?
Kasi alam mo yung madaya?
Yung puso mong nakakulong na hindi makalaya-laya.Bakit kamo?
Kasi hindi mo matanggap.
Na hindi na kumurap
Sa katititig sa mata
Ng mahal mo't sinisinta.Kulang nalang matunaw.
Mukha niyang perpekto.
Sa titig mong uhaw
Dahil ganoon nalang siya makaapekto.Iisa ang gusto niyo.
Isa lang ang mahal niyo.
Ano, sa lahat ba ng bagay pareho kayo?
Yung isa naman kasi dapat marunong rumespeto.Pero, pagibig yan eh.
Hinding hindi yan mapipigilan.
Pero Tandaan mong siya ay kaibigan.
Pero hindi sa lahat ng oras pinagbibigyan.Kasi minsan kailangan mong ipaglaban;
Ang mahal mo, bago ka maagawan.