Hindi ba't sabi mo, gumawa ka pa ng kanta para sakin?
Hindi ba't sabi mo, kailangan ko pa itong dinggin?
Hindi ba't sabi mo, kakantahin mo ito ng iyong buong puso?
Hindi ba't sabi mo, isa itong paraan para tuluyan na akong mahulog sayo?
Eh bakit nandyan ka pa rin? Bakit hindi ka pa rin gumigising?
Bakit hanggang ngayon di ko pa rin marinig ang kanta mong para sakin?
Ang daya mo naman. Hindi mo ko kinantahan. Agad mo kong iniwan.
Pano ko pa maririnig ang kanta mo?
Kung nandyan ka na sa itaas at binabantayan ako.