Siya

29 5 0
                                    

Oo, tanggap ko na
Na wala akong kwenta
Kasi kahit anong gawin ko
Siya at siya pa rin ang pipiliin mo

Pero alam mo yung tanga?
Yung kahit sinaktan ka na niya
Yung kahit iniwan ka na niya
Siya pa rin yung mas mahalaga

Siguro nga bulag ka na talaga
Kasi hindi mo ko makita kita
Na ako ung taong lagi kang sinasamahan
Sa pagtawa mo at pag-iyak na siya ang dahilan

Sobrang nasasaktan ako
Kasi siya lagi ung nakikita mo
Sobrang nakakabanas isipin
Na hinding-hindi mo ko kayang mahalin

#SINONGKAMBINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon