Dala ng 'yong dalawang pares ng mata ang mundo
Sa tuwina'y hinihigop ang aking pagkatao
Nakahuhumaling, ako'y nawala na sa wisyo
Tila ba'y isipa'y gulong-gulo at litong-litoApoy na sinindiha'y nagsimula ng sumiklab
'Di mapakali, animo'y damdami'y nagaalab
Bawat patak ng ulan ay musika sa pandinig
Nahulog na ng tuluyan sa iyong mga himigTumingala sa tila bulaklak na alapaap
Sakit, kasabay ng pagsara ng aking talukap
Malayo, naglalaho ng isang kisap-mata
Oras, segundo ang patuloy na lumilipas paBankito na lamang ang kapiling at kaagapay
Magkasalikop, pasmado ang dalawang kamay
Malamim ang takbo ng isipan at nagiisa
Ngayo'y nagmumuni-muni sa parihabang lamesa_../_._.