Ang tanga ko, sobra!
Ako'y bigla na lamang napapatawa,
Sa ating mga ala-ala,
Na kaylanman di na maibabalik pa.
May laro ba talagang namagitan?
Sa ating pagkakaibigan?
Bakit ba kasi sinimulan natin ang kalokohan?
Na nagdulot sa atin ng kasiraan.
Hinihiling ko na sana'y lahat ay totoo,
Iyong mga salitang sa palamuti ay punong-puno,
Sa pagmamalasakit kung kumain na ba ako,
Sa pagsasabi nang "Mahal kita, Walang bibitaw hangang dulo!"
Siguro dito na nga talaga magtatapos,
Ang ating mga ilusyon,
Ako'y sobrang naghihikahos,
Sana'y pu-pwede ko nalang itong itapon.