pasmado ako,
natatakot akong hawakan ang kamay mo.
nakakahiya; idikit ang naglalawa kong palad sa kamay mong tuyo, kamay mong makinis.
naiinis, sa palaging pag-iisip ng kung anu-ano.
pero noong araw na ikaw na mismo, ang humawak sa kamay ko. Hindi mabilis na pag-tibok ng dibdib ang aking naramdaman. Hindi kilig o paru-paro ang naramdaman ko sa aking tiyan. Kung hindi ay ang kapanatagan sa loob ng aking dibdib.
Pasmado ako,
kaya't salamat sa pag-hawak ng kamay ko.