Chapter 6: Project Partners

154 9 1
                                    

Alex's POV


Minulat ko aang mga mata ko at napansin kung gabi na pala.


Ang tagal ko pa lang nakatulog. Nakakapagod kasi tong araw na 'to.


May narinig akong tunog galing sa tiyan ko. Ay! Gutom lang pala. Hindi ko na kasing naisipan na kumain kanina pag uwi ko.


Pagbaba ko ng hagdan, nadatnan ko na agad si mommy na inilapag na ang mga pagkain sa mesa.


"Hi dear. Gising ka na pala. Kain na tayo," nakangiti niyang sabi sakin.


I smile her in return at umupo sa kaliwang side ng mesa.


Pagkatapos kung kumain umakyat agad ako sa taas at humiga sa kama na nakatutuk sa kisame.


Ang dami kung iniisip. Yung sinabi ni Luke pati na rin si Drake.


Ewan ko ba kung bakit ko iniisip si Drake pero parang nakita ko kasi siya kanina bago ako umuwi ng bahay. Pero di ako sure kung siya ba talaga yun.



~ ~ ~ ~ ~


Pagdating ko ng classroom namin, agad naman akong binati ni Kaye Anne na pagkalaki-laking ngiti sa labi. What's happening with her?


"Good morning Lex." bati niya sakin.


"What's with that smile ha?" tanong ko sa kanya.


Tumayo naman siya sa upuan niya tsaka pumalibot sa akin.


Anong trip ng babaeng to?


"Well, bawal bang ngumiti ng ganito?" tanong niya saakin habang pinaglalaruan niya ang buhok ko.


"Curiousity kills."


Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya, sakto naman na dumating na ang guro namin.


Sa likod ng teacher namin nakasunod naman sila Drake tsaka si Kim.


Nagtagpo ang mga mata namin ni Kim at inirapan niya ako. Duh! Sana ganyan na lang ang mata mo forever.


"Okay class, may bago kayong kaklase. Dalawa sila pero bukas pa papasok ang isa."


Hindi pa nga siya tinawag ng teacher pumunta na agad siya sa harapan. Tsk!


"Hi everyone. I'm Kimberly Anne Dador. Drake's GIRLFRIEND." diniin pa talaga niya ang salitang GIRLFRIEND. Sige, kayo na ang couple. Naiinis ako.


Bat ba ako naiinis?


"Thank you everyone." with fluffy eyes pa ang bruha. Di naman kagandahan.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon