Alex's POV
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.
Para saan?
Sa kaba? O di kaya dahil nakapatong ako sa ibabaw niya?
Ahhh! Erase that thought Alex.
Gusto ko ng tumayo dahil parang ang laswang tignan ng posisyon namin pero parang ayaw ng katawan ko ang gusto ng utak ko.
Para akong statwa dahil nga hindi ako makagalaw. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob na tumayo pero pinalibot ni Drake ang kanyang dalawang kamay likod ko at nilapit pa niya ng maigi ang katawan ko sa katawan niya.
Alam na alam ko na para ng kamatis na pulang pula ang mukha ko.
Papalapit ng papalapit ang mukha namin sa isa't-isa na nagkadikit na ang aming mga ilong.
Nakatutok lang ako sa kanyang bilog at kulay brown niyang mata. Parang tinatawag niya ang pangalan ko.
"A-anong gi-ginagawa m-mo?"
Salamat at naglakas loob na din akong magsalita, pautal-utal nga lang.
Ano ba tong nangyayari sakin.
Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng may narinig kaming busina ng saakyan.
Agad-agad kaming tumayo at inayos ang sarili.
Pagtanaw ko sa sasakyan na bumusina kanina, nakita ko ang isang babae maganda, maputi at napaka ganda ng suot. Mga kasing edad ni mommy pero maganda pa rin siya.
Tinanggal niya ang kanyang salamin at dun ko nalaman na si tita Silvia pala slash mommy ni Drake.
Bakit sila nandito?
Ay malamang bahay nila to. Utak din paminsan minsan Alex.
Di ko alam kung anong itsura ang ibubungad ko sa kanila ngayon dahil alam kong hindi pa rin nawawala ang pagka pula ng aking mukha ng dahil sa nangyari kanina.
Naakakainis kasi si Drake eh. May pahawak-hawak pa ng kamay ko. Ayan tuloy, nadaganan ko siya.
Gusto ko ng mag invisible dito sa hiya. Lagot ka talaga sakin Drake.
Nakita kong papalapit sa pwesto namin ang mommy ni Drake kasama yung asawa niya which is daddy ni Drake na si tito France.
What shall I do?
Oh my, papalapit na sila sa kinatatayuan namin.

BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Novela Juvenil"DESTINY is a feeling you have that you know something about yourself nobody else does. The picture you have in your own mind of what you are about will come true. It's a kind of a thing you kind of have to keep to your own self. Because it's a frag...