Chapter 13: Heartaches

145 5 2
                                    

Alex's POV


"Susunduin ko na tong boyfriend ko ha? May date pa kasi kami."


Date? May date pala sila pero ako yung kasama ni Drake. Pinapaselos ba nila ako?


Pwes! Nagkakamali sila ng desisyon. Tinignan ko si Drake parang walang alam sa nangyayari.


Pinilit kong tumayo at ngumiti sa kanila.


"Sige. Enjoy your date. Have fun. Bye! Tara na Kaye."


Hinigit ko agad ang braso ni Kaye Anne at nagmamadaling naglakad.


I find myself wiping my tears in my face. Damn it! Why I am crying?


"Lex? Are you okay?"


Nag nod lang ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga pa ko basta lakad lang ako ng lakad na malayo sa kanila. Malayo sa kanilang dalawa.


"Anong ginagawa natin dito?"

Nakita ko na nasa labas na pala kami ng gate ng school. Great! Nakalabas kami ng hindi ko man lang alam.


"Kaye? C-can you stay w-with me just for today?" I said those words while sobbing.


Di ko na napigilang umiyak sa harapan niya. Ang hirap pigilan ng emosyon eh.


Yun bang akala mo hindi kana masasaktan. Akala mo di kana affected.


Pero akala lang pala lahat. Dahil ang totoo, nasasaktan parin ako.


Naramdaman ko nalang na nandito na pala kami sa park. Umupo kami sa may bench at tsaka umiyak na naman ako.


"Ang sakit Kaye Anne, ang sakit sakit." sabi ko sa kanya.


Hinagod na lang niya ang likod ko.


"Akala ko ba, wala na? Akala ko ba naka move-on ka na. Pero bakit umiiyak ka parin?"


Yan ang di ko masagot na katanungan sa sarili ko. Bakit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon? Mas doble pa nga ang sakit.


"Hindi ko alam. Hindi ko alam."


Mas lalo pa akong umiyak ng yakapin ako ni Kaye.


"Bakit ganon Kaye? Kung sino pa yung matinong tao sila pa yung sinasaktan." Kahit umiiyak ako, nakuha ko parin ang magtanong.


"Alam mo kung anong masakit? Yung taong minahal natin na dapat kaibigan lang."

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon