Chapter 11: Forever Is Just A Word

106 6 0
                                    

Alex's POV



Feeling ko ang haba ng araw ko ngayon. Ewan ko ba, basta ang gusto ko lang ay ang umuwi at humiga sa napaka lambot kong kama at tsaka matulog.


Pero di ko magawa ngayon dahil nandito pa ako sa school.


Mag-isa lang ako dito sa ground ng school. Mag-isa lang ako dahil umuwi si Luke sa bahay nila tapos si Kaye naman, aba ewan. Kanina pa yun wala hanggang ngayon di na nagpakita.


Nasaan na kaya yun? Eh text ko nga.


Alex to Kaye:


Hoy, nasaan kna? Wla akong kasama!!


Tapos, sinend ko na.


Ahh! Asan ka na bang bruha ka! Lagot ka talaga sakin pagnakita kita.


"Hi! Pwede po bang tumabi?" inangat ko naman ang ulo ko para makita ko kung sino yung nagsasalita.


Hindi ko siya kilala pero familiar siya sakin. Siguro dito din siya nag-aaral sa school na pinapasukan ko.


Maganda siya. 'Yan lang. Ang hirap mag describe ng tao. Nakakatamad.


"Sure." Sagot ko sa tanong niya.


Umupo naman siya sa tabi ko. Ang awkward. Walang magtangkang magsalita samin.


Silence ...


Silence ...


Silence ...


Silence ...


Okay, di ko na kaya. Ang awkward talaga.


"Hmm, I hope you don't mind. But, what's your name by the way?" tanong ko sa kanya.


"Hehehe. I'm Hazel Anne Bermundo po pala. Sorry po kung di agad ako nagpakilala." Wow! Ang cute niyang ngumiti. May dimples ma siya. Mahiyain tong batang to ah!! Hahaha!


"Age mo?" Ako na ang chesmosa.


"14 po." bata pa talaga siya. Kaya pala nag 'po' 'po' tong batang to.


"Ah! Ako nga pala si Alexandria, Alex nalang for short." inilahad ko sa kanya ang kamay ko para maki pag shake ng hands.


Nakipag shake shands naman siya sakin. Sabay sabing 'Nice to meet you po.'


Diba ang bait? Hahaha!.


"May boyfriend na po ba kayo ate?" Nabigla naman ako sa tanong niya.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon