Chapter 9: New Friend

111 7 2
                                    

Alex's POV


Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at pinagmasdan ko ang paligid.


Nasaan na ba ako? Sa pagkakaalam ko hindi ko to kwarto. Nilibot ko pa ang buong sulok ng kwarto. Wala nga ako sa sarili kong kwarto.


Ano bang nangyari sakin? Ang nalala ko lang naman ay pumasok na ako sa mansion nila Drake ng biglang tumalon ang puppy niya sa akin na ikinagulat ko, tapos wala na akong matandaan.


Baka nahimatay ako tapos binuhat ako ni Drake. Baka lang naman. Wag assuming.


Tumayo ako at nilibot ang buong paligid. Kulay asul ang wall na may konting desenyo. Malaki-laki din tong kwarto niya. May king size na bed na kulay asul din. Simple yet elegant. 'Yan lang talaga ang ma edidescribe ko sa paligid ng room niya. Hindi makalat. Napaka linis. Parang babae lang.


Bakla kaya siya? Hahaha! Natawa na lang ako sa sarili kong idea. Ano ba namang conclusion yun. Porket malinis ang kwarto ng lalaki, bakla agad?


May nakakabit din na mga frame sa wall niya. A family picture, tapos picture niya with his mom and dad nung graduation niya when he was in elementary.


Nakakalungkot lang isipin na hindi kami sabay grumaduate. Grade 5 pa kasi siya nung huli kaming magkaklase.


Bakit ba iniisip ko pa yung nakaraan? Eh past na yun diba? Simply means, hindi na maibabalik pa.


Nilibot ko pa ang mata ko sa kwarto niya ng may napansin akong maliit na frame sa bedside table niya.


Lumapit ako tapos kinuha ko yung frame.


Isang babae at lalaki na masayang nakangiti sa picture. Yung lalaki ay nakaakbay sa babaeng maganda, maputi at bagsak yung buhok hanggang bewang. Ang babae naman ay naka peace sign lang na nakangiti. Papanindigan ko ba talaga tong lalaki at babae? Bakit hindi ko na lang diretsuhin kung sino sila.


Alam niyo ba kung sino sila?


Sina Drake at Kim.


Parang tinutusok-tusok ng milyong karayom yung puso ko sa mga nakita ko sa frame.


May sakit kaya ako sa puso? Baka naman, nasasaktan ako sa mga nakikta ko.


Hindi. Hindi dapat ako nasasaktan ngayon sa mga nakikita ko. Kasi --


"Gising ka na pala." nabigla ako sa narinig ko mula sa likuran ko.


Agad ko namang nilagay ang frame sa dati nitong pwesto at lumingon sa kanya.


"Umiiyak ka ba?" tanong niya.


Pinahid ko yung kamay ko sa pisngi ko at basa ito.


You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon