Dachi's letter
Akalain niyo yun... may humabol pang transferee ngayong year
"I'm Tsukiyomi Ikuto. Nice meeting you..."
*Kriiiiiing*
"Nagbell na, class dismiss. See you next week..."
Oh di ba? Ang galang nung teacher naming yun...
Nag-umpisa ng lumabas ang mga kaklase ko habang kaming apat nina Tiffa, Julia at Ikuto ang natira sa room...
"What are you doing here, you jerk?" galit na galit na tanong ni Julia
Okay, ano na namang kadramahan itech?
"Bakit, anong masamang mag-aral sa Seiyo High?" cool na sagot ni Ikuto
"Kagabi lang nagkita tayo sa bar tapos kaklase na kita sumunod na araw? Do you think I'm that dumb to believe this show of yours?"
Bago pa makapagsalita si Ikuto ay bigla na lang sumingit si Tiffa...
"Nagbar ka kagabi? Hindi mo ata nasabi yun?" sabay taas kilay ni Tiffa
"Nagbar lang naman daw siya kagabi dahil sa bestfriend niya na---"
"Wala, 'to... malakas lang talaga tama nitong pusang 'to...hehehe" sabay hatak ni Julia kay Ikuto palabas ng classroom
Siguro yung tinutukoy ni Ikuto ay yung inis/galit ni Julia kay Tiffa ngayon. Tanggap ko na rin naman na nagbabago talaga ang tao at hindi mo talaga mapipigilan yun...
"Sabay na tayo?" alok ko kay Tiffa
Nagulat naman siya...hindi na rin kasi kami ganun ka-close katulad ng dati... hindi na rin kasi kami sumasama ni Julia kay Tiffa sa pagrereply ng mga letters...
"Okay, sige."
Naglalakad kami sa may hallway...okay, AWKWARD.
"Kamusta na yung pagiging Letter Bee?" pag-uumpisa ko ng topic
"Okay naman..."
Tapos may nakasalubong kami bigla...
"Letter Bee! Sinunod ko yung payo mo sa akin. Ako yung sender ng letter, yung laging nagtetxt sa boyfriend niya kaya feeling ko nasasakal na siya. Sinunod ko payo mo na hindi muna siya itext or tawagan hanggang siya na ang lumapit...and guess what? I recieved texts from him!" excited niyang sabi tapos pinakita niya yung mga messages ng boyfriend niya sa kanya...
"Babe, okay ka lang ba? Are you sick?"
"Are you busy, babe? Text me if you have time..."
"Babe, is there something wrong? You can tell me if you want."
"Have I done something wrong?"
"Are we...okay? Please babe, I'll wait for your reply. I love you, babe"
"Di ba? Effective yung advice mo Letter Bee!" talon pa siya ng talon
"Eh anong ginagawa mo pa dito?" tanong ko sa kanya
"Anong ibig mong sabihin?"
"Puntahan mo na siya! Nag-I love you na siya! Puntahan mo na bilis!" sigaw ni Tiffa at bigla na lang nagpanic yung babae sabay takbo
Pumunta kami sa veranda ni Tiffa at nakita namin yung babae na tumatakbo papalapit sa isang lalaking nag-eemo...
"Babe!"
Tapos tumakbo uli yung babae papalapit sa lalaki...
Hindi maipinta ang mukha ng lalaki sa sobrang shock at tuwa...kinalaunan din ay may pumatak na luha sa mga mata ng lalaki...
"Thank God! Babe, akala ko iniwan mo na ako..." iyak pa rin ng iyak yung lalaki
Hindi masamang umiyak ang lalaki. Pinapakita lang nun kung gaano katindi ang nararamdaman ng lalaking yun...
"Hush na babe...hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita." at napaluha na rin yung babae
"Wow, effective love adviser ka pa rin ah!" sabi ko sa kanya
tapos biglang lumungkot mukha niya...
"Uy! Compliment yun!" umiling siya
"Minsan kasi nalalaman mo lang na importante ang isang tao 'pag malapit na siyang mawala sa iyo..."
Oo nga eh, ganyan din naramdaman ko nung akala ko hindi nag-eexist si Victorique...
"Oo nga noh, nasaan nga pala sina Gio?"
"Ah, nauna na sila nila Joseph eh..."
"Ganun ba? Buti na lang pala wala rin akong gagawin ngayon..."
Hindi ko muna bibisitahin si Victorique... nagsasawa na daw siya sa pagmumukha ko eh :P
Bee's letter
Actually hindi ko talaga pinasabay ngayon sa akin sina Gio. Namimiss ko na kasi talaga sina Julia at Dachi...pansin ko kasi 'pag kasama ko sina Gio wala na kaming bonding time nila Julia at Dachi...ang lungkot ko lang talaga nung hindi na sila sumasama sa akin :(
Niyaya ko na si Dachi na gumawa ng mga homework kahit Friday ngayon. Pumayag naman siya Bonding time na rin namin 'to.
Habang gumagawa kami ng Physics assignment hindi ko mapigilan na tumingin sa kanya...
ang dami ng nagabago sa kanya... hindi na siya yung Dachi na kwela, mas naging seryoso siya. Hindi na rin siya ganun kaprotective sa akin, pinangako pa naman niyang hindi niya ako hahayaang saktan ng iba. At kahit hindi na kami ganun kaclose eh parang okay lang sa kanya. Hindi niya na sinusuot yung bracelet na binigay ko samantallang ako lagi ko pa rin suot yung mood ring na bigay niya...
Ms. Al's letter entry (third person's pov)
Habang gumagawa ng homework si Gabriel eh hindi niya maiwasang hindi tumingin kay Tiffania. Napansin niyang itim yung kulay ng mood ring na bigay niya which means sadness.
Nasaktan siya sa nalaman, na malungkot ang kaibigan niya kahit siya ang kasama. Marahil ang nais kasama ng dalaga ay si Gio napag-isip isip niya.
Nasaan ba kasi si Gio at iniwang mag-isa si Tiffa? Ipinaubaya niya na kay Gio ang pangako niya kay Tiffa na magtatanggol sa kanya.
Meanwhile...
"Bakit mo sinabi sa kanila ang problema ko tungkol sa bestfriend ko?" inis na tanong ni Julia kay Ikuto
Feeling niya kasi sinadya ni Ikuto ipaalam kay Tiffa ang saloobin niya.
"Ano naman masama dun? Mabuti nang malaman niya kasi kayo lang ang nahihirapan diyan sa sitwasyon niyo."
Paliwanag ni Ikuto. Ayaw niyang makitang nahihirapan si Julia. Alam niyo ba kung bakit ginawa ni Ikuto kay Julia yung sa beach house? Yung pagpapakilala niya sa papa ni Julia na kasintahan niya ang kanyang anak? Simple lang... gusto niyang itatak sa isipan ni Julia na magiging boyfriend nga niya si Ikuto in the near future, hindi niya nga lang inaasahan na magkikita sila sa bar.
"Ano bang paki mo sa akin? Tantanan mo nga ako" umalis na si Julia na may inis pa ring nararamdaman kay Ikuto. Si Ikuto naman handang magpaka-kontrabida basta sumaya lang si Julia.
Al's note: Malapit na pong matapos ang Letter Bee: The Love Helper. Thanks sa mga readers na hanggang ngayon ay siusuportahan 'tong story na 'to. Salamat :)