Natalie's Picture----------------------------------------------------------------->
Bee's letter entry
Sabado na ngayon, susunduin pa namin ni Julia si Dachi sa school. Nasabi ko na bang magkatabi lang kami ng house ni Besy Julia? Kung oo, pasensya na nakalimutan eh kung hindi, oh ito sinasabi ko na sa inyo. Lalabas na ako ng bahay, kawawa naman si Dachi sabi ko 8 am sharp eh 7:55 na. Haaaay!
Nakasakay nga pala ako ng limo ngayon, masyado kasing mahigpit ang security eh alam niyo na only child.
Pagkalabas ng bahay.........nakita ko si Dachi! Kaya lumabas ako ng sasakyan
Bee: Dachi? Alam mo kung saan ang bahay namin?
Dachi: Hindi, eh ikaw alam mo kung saan ako nakatira?
Bee: Hindi din.
Dachi: 'Wag mong sabihing diyan ka nakatira *sabay turo sa bahay namin*
Bee: Oo.
Biglang sumulpot si Julia sa harapan namin........
Bee: Julia? Ano ka ba tao o kabute pasulput-sulpot bigla?
Julia: Tao syempre hindi ako tulad mo Bubuyog! :PPPP
Dachi: Julia, ikaw din? Nakatira ka malapit sa bahay ni Tiffa?
Bee: Hoy! Bakit ka nakiki-Tiffa? Close ba tayo ha?
Dachi: Tiffa naman masama ba? Friends naman tayo di ba? *puppy eyes*
Bee: Sige na nga, tutal araw-araw ka naman namin makakasama
Dachi: Yay! Teka nga muna, ibig sabihin.....
Julia's House Villa ni Tiffa Dachi's House
D, J, B: Magkakapit bahay tayo?
Julia: Wow naman! Sosyal ka din pala ha Dachi! Malaki laki rin pala bahay mo ah
Dachi: Syempre naman noh! I'm not that pipichugin that you think of
Bee: Tara na nga para makapag umpisa na tayo
At iyon diretso pasok na kami.....
Dachi's letter
Simula ngayon, ang tawag niyo na sa akin ay Dachi ha. Nandito nga pala kami sa Villa ni Tiffa. Wow naman! Kailangan pang sumakay sa mga mini cars para makapunta sa mismong house! Yung cars ay parang sa mga golf clubs yung may.....basta yun na yun! Ang ganda dito sa villa ha. May swimming pool, play ground, garden at small house. Yung small house malapit yun sa main gate papalabas ng villa. Masyadong high tech yung bahay ni Bee ha. Para tuloy siyang si Richie Rich. Pagpasok namin sa main house......
Dachi: Wow naman! 0-0
Julia: Ganyan rin yung reaction ko kanina ha >.>
Dachi: Ganun talaga Julia, passing from generation to generation :))))
Bee: Punta na tayo sa Letter Room?
Dachi: Letter Room?
Julia: Dun kami nagrereply sa mga letters we recieve everyday
Binuksan na ni Tiffa yung pinto, pumasok na kami dun at........
ANG LAKI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Bee: Dachi, dun ka uupo *sabay turo niya sa isa sa mga computer dun sa harapan*
Oo, computer nga ang ginagamit nila para makapagreply sa mga "Bee Fanatics" nila
Eto yung posisyon namin:
Dachi's Computer Tiffa's Computer Julia's Computer
Bee: Julia, turo mo na kay Dachi kung papaano magreply
Julia: Aye, aye Captain! *sabay salute*
Umupo na kami at iyon nga tinuro sa akin ni Julia kung papaano....
Julia: Scan the letter then open the MS Word, type your advice then click "My Reply". The scanner will print the newly formed text then viola! Letter replied. Sila ng bahala sa mga iyan *sabay turo sa iba pang mga workers...yung iba nagbabalot yung iba may sariling computer*
Dachi: Anong ginagawa ng mga nagcocomputer?
Julia: Katulad natin, nagrereply sa mga letters. 'Wag kang mag-alala puro mga psychologist and love proffesionals ang mga iyan.
Dachi: Okay.
Bee: Then start! (>.<)
Gulat naman ako kay Tiffa kaya pumulot na ako agad ng letter.....
Dear Bee,
Bakit ganun siya ha? Ang manhid niya naman! Sinusubukan kong magvoice out ng nararamdaman ko pero namimisinterpret niya lang. Ang hirap kasi kung sa sarili mo pang best friend na in-love. Tulong naman oh.....please!
* Danny
Inumpisahan ko ng magtype ng reply ko............
Tignan mo muna kung makakaapekto ang desisyon mong magtapat sa kaibigan mo. At kung desidido ka na ganito ang gawin mo. Dalhin mo siya sa isang romantic place at dun mo sabihin kung ano talaga nag nararamdaman mo. Hindi bilang kaibigan kundi bilang isang manliligaw. Okay? Mwah, mwah, tsup, tsup! :)
At marami pang letters na sumunod........
12 noon na.....
Bee: Lunch time! Go to the lobby now! *with a serious face*
Aba parang hindi si Tiffa 'toh ah! Napakaseryoso niya pagnagbibigay advice sa mga letters. Tatayo na siya ng........
Bee: Aaaaaaahhhhhh!
Napatid siya sa isa sa mga wires ng computer at bumagsak kami sa sahig. Pagmulat ng mga mata namin ay nasa itaas ko siya at napakalapit ng mukha namin sa isa't isa
Ramdam ko ang paghinga niya at ganun din siya sa akin....... at feeling ko parehas kaming namumula ngayon! Ngayon lang 'to nangyari sa tanang buhay ko
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Al's note: Okay lang ba? Umpisa kasi pa lang 'to eh..... Sa susunod na mga chapters niyo na mababasa ang iba pang kilig momentos! Vote and comment! Thanks! ^_______^