Dedicated kay silentsnow88 ! Yuki, thanks for supporting my story. Salamat din kasi naging mabait ka sa akin kahit nung nasa crunchyroll pa tayo. I'm happy for having you as a friend! Love lots! ^_______________^
Bee's Letter
Tapos na ang math class namin at nagyaya si Dachi pumunta ng canteen. Pagpasok ko namin biglang.......
???: Oooops, sorry Bee! *sarcastic na sabi*
Tinapunan niya lang naman ako ng tubig sa mukha! 'Yan tuloy nabasa pa yung uniform ko
Dumating na ang araw na kinakatakutan ko, nandito na naman ang NRL Bee Destroyer para pahiyain ako. Kilala ang grupo nila sa buong school dahil sa mga ginagawa nilang bullying hindi lang sa akin kung hindi pati na rin ang ibang estudyante na "umaagaw" ng spotlight sa kanila.
Bee: Nananadya ka ba talaga o ano? (nakakainis na kasi eh)
Natalie: Akala ko kasi bubuyog eh, kaya ayun binuhusan ko ng tubig. Alam mo naman ang bubuyog masakit manggagat
Lalapit na sana si Dachi para pigilan si Natalie pero pinigilan siya ni Julia, alam ni Julia na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Wala kasi ang mga body guard ko sa loob ng school, may pager naman ako pag kailangan ko sila eh.
May papalapit na estudyante sa direksyon namin, lalabas na ata ng canteen eh. Hindi ata alam kung anong nangyayari sa loob may dala siyang orange juice kaya kinuha ko.
Splaaaaash!!!
Binuhusan ko lang naman si Natalie ng orange juice sa mukha. Akala niya hindi ako lalaban ah! Pwes nagkakamali siya!
Bee: Sorry ha, akala ko PROSTI SA DAAN eh! Ayaw ko pa naman sa mga ganun, MALALANDI!
Diniinan ko talaga yung words na "prosti sa daan" at "malalandi" ! Ilang beses na kasi siya nagkaroon ng boyfriend eh at siya pa ang naghahabol. Kung hindi ako nagkakamali eh sa isang linggo nagkakaroon siya ng 4-7 boyfriends.
Natalie: IKAAAAW!
Sasampalin niya na sana ako pero pinigilan ko siya.
Bee: No one tries to sampal me!
Sabay sampal sa kanya gamit ang sarili niyang kamay. Aba ginaya ko si Rhian Ramos sa dialogue niya sa "My Kontrbida Girl". Wala lang, sakto kasi sa scene ngayon eh.
Natalie: Magbabayad ka Bee!
Sabay walk-out ng NRL Bee Destroyer
Students sa canteen: Whoooooo! Nice one Bee!
Bee: Salamat
Sabay alis ng canteen. Si Julia narinig ko na ginamit niya yung pager na binigay ko sa kanya para tawagin yung mga body guards ko in times of emergency. Kailangan ko pang magpalit ng damit kaya pumunta ako sa locker ko.
Dachi's Letter
Dachi: Tiffa ang galing mo dun ah!
Tiffa: A-a-ak-ako pa! (nauutal niyang sabi)
Tinignan ko yung suot niyang mood ring, kulay gray which means natatakot siya
(Al's note: Ako na lang po magbibigay ng color sa bawat mood okay?)
Dachi: Nice try Tiffa pero hindi mo ako maloloko.
Bee: Huh?
Nagmamakaila pa 'tong si Tiffa oh, halata naman na eh
Dachi: Alam ko sa loob mo natatakot ka. 'Wag mong itago sa akin yang nararamdaman mo
Sabay yakap ko sa kanya. Walang halong malisya ha! Kapatid na ang turing ko dito kay Tiffa
Bee: Natatakot *sob* ako kanina *sob* . Hindi ko *sob* alam ang *sob* gagawin ko *sob*
Naiyak na 'to sabi ko na nga ba eh. Kunwari malakas siya sa labas na anyo niya pero sa loob mahina siya
Dachi: Okay lang yun Tiffa, hindi ko na hahayaan na saktan ka pa nung Natalie na yun
Julia's Letter
Nabasa si Tiffa ng tubig kaya naman tinawag ko yung mga body guard niya. Sabi naman nila na may extra uniform daw si Tiffa sa locker niya. Kaya ayun diretso na ako sa locker niya.
Nakita kong kinocomfort ni Dachi si Tiffa. Iniwan ko muna sila dun at dumiretso ng canteen bumili na ako ng snacks naming tatlo para pagkabalik nila ng room may pagkain sila.
Hindi naman ako nakaramdam ng selos. Kaibigan lang ang turing ko kay Dachi noh! Baka kayo diyan mga readers gawan niyo kami ng Love Triangle ah! Pagkabalik ko ng classroom nandun na silang dalawa
Julia: Tiffa, Dachi heto na yung mga pagkain niyo. Alam kong hindi pa kayo kumakain eh.
Bee and Dachi: Salamat!
Natapos na din ang klase at sabay sabay na kaming pumunta sa Villa ni Tiffa para magreply ng mga love letters.
Natalie's Letter
Uwian na pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa sa akin ng Bubuyog na yun. May naisip na akong perpektong paraan para makaganti sa babaeng yan
Richelle: Natalie heto na pala si Gio oh
Lauren: Pinatawag mo siya di ba?
Natalie: Oo kakausapin ko lang siya
Gio's letter
Pinapatawag daw ako ni Natalie my love kaya ayun pumunta na ako sa gymnasium. Sabi ni Joseph at Averick nandun daw siya eh
Gio: Loves!
Loves ang tawag ko kay Natalie, boy friend niya ako pero hindi namin pinapublic. Ayaw niya eh.
Richelle: Gio alam mo ba kung anong nangyari sa Natalie my loves mo?
Gio: Bakit may nangyari ba sa kanyang masama?
Lauren: Binuhusan lang naman siya ni Bee at pinahiya sa mga students sa loob ng canteen
Shit! Nung narinig ko kung anong ginawa nung Bee na yun sa mahal ko parang sinaksak yung puso ko ng kutsilyong may kalawang
Natalie: Don't worry, may naisip naman akong plano para gantihan siya eh
Gio: Ano yun?
Tapos binulong niya sa akin....
Teka parang ang harsh naman ng pinapagawa ni Loves tsaka feeling ko hindi ko kayang gawin yun. Ewan ko lang medyo nag-aalinlangan ako.
Natalie: Pagnagawa mo yung sinasabi ko sa iyo, pwede mo ng ipagkalat sa lahat na tayong dalawa na
Talaga? Pwede ko ng pagkalat na mahal ko si Natalie my loves?!
Gio: Sige ba. Yakang-yaka ko yun noh
Natalie: Thanks Gio! *sabay kiss sa cheeks ni Gio* Ba-bye!
pic ni Averick------------------------------------------------------------------------------------>