Bee's Letter Entry
Sunday ngayon at ako'y naghahanda na para sa "treat" sa akin ni Dachi. Ako yung nanalo sa guessing game namin kahapon. Akalain niyo yun ako pa nanalo? Isa lang ang masasabi ko kay Dachi, kakaiba siya. Alam niyo ba kung ano ang favorite niyang galaxy? Hindi Milkyway kung hindi Andromeda galaxy! Hindi rin siya loyal noh? Nakasuot ako ng black na leggings, carnation pink na sandals, purple sleeveless at light pink na thin jacket. Hindi naman siya jacket basta para lang hindi ako ginawin, masyado kasing sensitive skin ko eh.
Napag-usapan namin ni Dachi na magsisimba muna kami sa Church bago kami maglakwatsa. 10 to 11 am yung mass na pupuntahan namin. Therefore, 11 am na kami makakapunta sa Trinoma. After ng mass, dumiretso na kami sa aming destination. Gamit namin ang car ni Dachi, siya yung nagmamaneho. Nakakuha na siya ng Driver's License sa murang edad niya. Oo nga naman, kailangan niya na rin yun at mayaman nga pala siya. Alam niyo ba yung car na natitiklop yung bubong? Yung car na sossy na pwedeng alisin o lagyan ng bubong yung car with just one press. Ang cool nga eh!
Pero siyempre may nakabuntot sa aming mga body guards, sabi ko nga 'wag silang magpahalata sa amin para maenjoy ko naman yung treat sa akin ni Dachi.
Eeeeeeeeekkkkkkk! Nandito na kami sa Trinoma
Dachi's Letter
After namin magsimba, dumiretso na kami sa Trinoma. Habang nagsisimba nga kami ni Tiffa kanina sa may part ng mass na maghoholding hands, nagulat ako dahil siya mismo ang humawak ng kamay ko. Napakainusente talaga ng babaeng ito! At iyon ang dahilan kung bakit sa tingin ko.......alam ko kung anong iniisip niyo! Iniisip niyo na yun yung dahilan kung bakit NALALAPIT NA YUNG LOOB KO SA KANYA noh? Friends lang naman kami, I don't know if we're both ready to enter a relationship. Bata pa naman kami eh.
Pagkababa namin ng car.......
Bee: Dachi, gusto mong kumain na muna tayo? Gutom na kasi ako eh
Ibang klaseng babae 'to, siya pa yung nagyaya ha!
Dachi: Okay, saan mo gustong kumain?
Bee: Uhm, sa Greenwich na lang kaya? Nagkecrave ako sa Lasagna ngayon eh
Dachi: Sure
At iyon nga, umorder kami ng Lasagna for two yung large na kinuha namin para sure na masasatisfied yung stomach namin.
Dachi: Tiffa, visit tayo sa DQ
Bee: Dairy Queen? *with sparkling eyes*
Dachi: Oo, favorite mo ba ang mga ice cream dun?
Bee: Yup! Lalo na yung Blizzard!
Dachi: Maka-blizzard ka pala? Anong favorite flavor mo dun?
Bee: Banana split! Ikaw anong favorite mo sa DQ?
Dachi: Yung plain na ice cream lang, more on basic kasi ako eh :)
Bee: Tara na bili na tayo!
Bee's letter
Nandito kami sa DQ! Bwahaha! My fave! Libre ito ni Dachi kaya yung large na kinuha ko.
Bee: Dachi pakuha tayo ng pic!
Dachi: Bakit?
Bee: Tinatanong pa ba yan? First time ko kaya lumabas kasama ang lalaki
Dachi: Ganun ba? Sige
Sabay tawag ko sa isa kong body guard
Bee: Kuya pa picture naman kami oh!
Bodyguard 1 : Sige po Ma'am