Sensya na kung ngayon lang uli ako nag-update. BUSY na kasi talaga eh, buti pa nga may time ako ngayon para magsulat ^___^
Bee's letter entry
Kamusta na kayo? Long time no see! Months had passed and now I'm a JUNIOR student. Well dahil k-12 nga dito grade 9 na me!
Marami ng nagbago sa aing barkada....
si Joseph nililigawan na si Lauren----->si Richelle nililigawan si Averick-------->yung parehas na nililigawan kahit ilang months na ang nakalipas hindi pa rin nila sinasagot yung mga admirers nila
si Natalie sa ibang bansa na nag-aral pero nagbabanta siya sa akin.....lagi siyang nagtetext na "BEE ready, BEEtch!" oo, sinasadya nya yung spelling. Hanggang ngayon hindi aka-get over teh?
Sina Gio at Dachi naman nag-aaway pa rin. Hindi ko nga alam kung bakit eh! Not in good terms..... haaay!
Si Julia.......hanggang ngayon walang lab lyf! 17 years old na kami! Kahit crush man lang para may sure na escort siya pagnag-debut na di ba?
Ako naman, heto, dakilang manunulat. Nagrereply pa rin ng mga letters pero hindi na katulad ng dati......hindi na ako nagrereply ng mga letters....yung mga psychologists na hinire ko na lang. Alam naman ng mga schoolmates ko na hindi na ako yung nagrereply pero sa akin pa rin naka-address yung sulat nila. Sigh....
"Ms. Sadaharu! Tinatanong kita!"
Oh my gulay! Bakit ngayon pa kasi ako nagkwento sa inyo eh! Filipino time ngayon at nagdidiscuss dito si Sir Triumfo tungkol sa Noli me Tangere ni Rizal. Yun yung topic namin eh....
"Ano po uli iyon?" tanong ko na painosente
"Tinatanong kita kung sino yung Paring nanglait kay Crisostomo habang sila'y kumakain ng hapunan sa bahay ni Kapitan Tiyago" pag-uulit ng aking guro na halata namang naiinis siya
Pinapabasa niya kasi talaga ang Noli.....kasi pamana daw sa atin yan ni Gat Jose Rizal at hindi dapat hinahayaang basta basta lang.....
"Uhm, si......" hala! nakalimutan ko! pag hindi ka pa naman nakasagot ng 5 beses tatawagan niya yung parents mo at sasabihing hindi ka nag-aaral ng leksyon at kailangang disiplinahin ka pa sa bahay. Ayaw ko namang bigyang alalahanin pa sina Mama....Huhuhu T-T
"Pssst! psssst!"
tinignan ko kung saan nagmumula yung ingay......
"Padre Damaso" nakasulat sa isang page ng notebook ni Dachi yan........
"Sir, si Padre Damaso po" proud kong sinagot
"Sige, tatlong puntos para sa iyo Ms. Sadaharu"
Pointing system namin yan, pagtama sagot mo 3 points, pag mali 1 point lang pero yung maling inusente dapat, hindi yung mali kasi hindi ka nagbasa ng libro.
"Thanks ^___^" sinulat ko sa notebook ko tapos pinakita ko kay Dachi
"Welcome" reply niya sa akin
------------------------------------------------UWIAN TIME--------------------------------------------------------
"Lauren, hatid na kita sa bahay mo" sabi ni Joseph
"Sige...." mahinang tugon ni Lauren
Ang sweet naman ni Joseph kay Lauren..................
"Averick, hatid mo ako sa bahay namin" pagmamakaawa ni Richelle
"Parehas lang naman kayo ng bahay ni Lauren di ba? sabay ka na lang diyan kay Joseph, ihahatid niya daw si lauren" pagsusungit ni Averick
"Korni mo Averick! Sige na nga!"
"Tsss"
Hay! Hindi talaga sila nagbabago......
"Joseph, sabay ako sa inyo. Ayaw akong ihatid ni Averick" nung narinig naman ni Jospeh yung sinamaan niya ng tingin sa Averick. Siguro naiinis siya kasi dapat time lang nila ni Lauren 'to eh
"Sige, tara na" at ayun umalis na sila. pagkaalis nilang tatlo, umalis na rin si Averick
Kaming 4 naman: Julia, Dachi, Gio and I
"Uwi na tayo Tiffania" yaya ni Gio. Sumakay na ako sa motor niya at humarurot na siya. Napansin kong hindi man kumikilos sa kinatatayuan nila sina Julia at Dachi.
Ano kaya balak nung dalawang yun?
![](https://img.wattpad.com/cover/1181585-288-k729984.jpg)