Averick's Letter
Nandito ako sa campus kumukuha ng mga pictures of different scenic sights dito. Yung mga students nasa canteen kumakain. Napagdesisyunan ko kasing mag-leave muna kasi kailangan ko pang ipadevelop yung mga nakuha kong pics para mapasa sa photography club.
Habang kumukuha ako ng mga picture may narinig akong babaeng umiiyak tapos bigla na lang ako natumba. Nabagsak ko pa yung camera ko, Canon DSLR pa naman.
"Miss okay ka lang ba?" sabay abot ko ng kamay ko para tulungan siyang tumayo, siya yung babaeng naririnig kong umiiyak
Lauren: Okay *sobs* lang ako
Tinignan niya ako at parang namutla siya, ganun na ba talaga ako nakakatakot?
Ako si Averick de Guzman. Sabi ng mga kaibigan ko, namely si Gio at si Joseph nakakatakot daw ako. Lagi kasi akong seryoso at minsan mo lang ako makikitang ngumiti at tumawa. Masisisi niyo ba ako kung ako lang ang tagapagmana ng isa sa mga huge companies ng De Guzman Corporation? Patay na kasi ang parents ko, namatay sila dahil sa isang car crash at ang lolo ko na lang ang tanging kamag-anak kong mayroon ako.
Pinag-aral ako dito ni Lolo sa Seiyo High kasi isa ito sa mga prestigious school sa Asia. Gusto niya na ako ang pumalit sa kanya at he does not accept a "no" for an answer. Tahimik ako and I'm a serious guy, tuwing summer may swimming, arts, business lessons ako. Kaya hindi ko masisisi ang babaeng nasa harapan ko kung bakit siya namutla.
Averick: Miss, okay ka lang ba?
Lauren: Okay lang ako. Pasensya na nalaglag pa yung camera mo
Averick: "Okay lang, aksidente naman yun eh" sabay pulot sa cam
Lauren: Pasensya na uli ha.
AWKWARD SILENCE
Averick: Miss, kung ok lang sa iyo. Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit ka umiiyak?
Kinukwento niya sa akin kung anong nangyari sa kanya habang nililibot namin ang open field ng school.
Averick: Alam mo Ms. sa tingin ko mabait ka talagang kaibigan, sinamahan mo yung kaibigan mo kahit alam mong hindi ka gusto nung Natalie na yun. Ginawa mo yun dahil gusto mo siyang bantayan
Lauren: Salamat sa time ha, gumaan loob ko
Averick: Okay lang, teka anong oras na ba?
Lauren: Oh em! 2 pm na! Uwian na natin!
Averick: Mauna na ako, Miss! Kailangan ko pang mapa-develop yung mga pics.
Lauren: Sige mauna ka na. Bye!
Umalis na ako sa field at diretsong pumunta sa computer lab namin. Pinaprint ko kay Sir Cabral yung mga kinuha kong pics. Si Sir Cabral yung teacher namin sa Computer, buti na lang hinayaan niya akong magprint kahit colored, hindi koasi allowed yun eh pero sabi ko kailangan para sa photography club.
After magprint pinasa ko na sa moderator ng club namin yung mga picture at natuwa naman siya dahil maganda daw ako kumuha. Kaya ayun, pasok na ako sa Photography club. Kailangan kasi eh, isa yung mga pics sa requirements.
Pumunta ako sa basketball court dahil gusto ko sanang makita si Gio. Hindi kami nagkausap nung lunch may pupuntahan pa kami dapat eh
Averick: Jock!
Gio: Sabi ko sa 'yo 'wag mo akong tatawaging ganun eh.
Averick: Miss mo na ang basketball noh? Umalis ka pa kasi eh
Gio: Pabayaan mo nga ako!
Averick: Dude, bad mood ka ata ah
Gio: Papaano kasi nag-away sina Natalie tsaka yung mga kaibigan niya
Natalie? Nag-away? Teka, kaibigan niya ba yung nakabunggo ko kanina?
Averick: Dude, bakit daw?
Gio: Ayaw sabihin ni Natalie eh. Sabi niya kaibiganin ko yung mga kaibigan niyang nakaaway niya. Aalis daw kasi siya, pupunta ata yung family niya sa London kasi may aayusing business proposal eh
Averick: Ibig sabihin, sasamahan natin yung mga kaibigan niya? At palagi?
Gio: Oo, parang ganun na nga. Dalawa lang naman sila eh, kailangan ko rin gumawa ng paraan para mapaglapit yung dalawang yun kay Tiffa.
Averick: Sino si Tiffa?
Gio: Si Bee Sadaharu
Averick: Yung infamous love helper? Bakit dude?
Gio: Basta wala ng tanong-tanong. Tulungan mo na lang ako bukas okay?
Averick: Para sa 'yo, dude.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote
Comment
And be a fan