[Bryan’s POV]
"I can't lose you. Because if I ever did, I'd have lost my best friend, my soul mate, my smile, my laugh, my everything."
Yup, nanunuod ako ng The Vow ngayon.
Anyway, nagawa ko na yung kaylangan ko asikasuhin dito sa US,
kahit kailan pwede na akong bumalik sa Philippines. ^__^
I miss her..
Namimiss ko siyang kausap, kasama, kaharutan.
Namimiss ko yung pagkurot sa taba niya, namimiss ko yung pagiging madaldal niya.
Namimiss ko yung mga biglaan kong pagpunta sa bahay nila pag walang ginagawa.
Basta, miss na miss ko na siya.
Hindi na nga ako nakapagpaalam sakanya nung umalis ako eh.
I tried calling her, pero hindi siya sumasagot.
Malamang lamang, mga madaling araw na kaya sa Philippines. HAHAHA. :)))
Miss narin niya kaya ako?
SANA.
Hindi porket wala ako sa bansa, ibig sabihin huli ako sa mga balita..
Sabi-sabi sila na daw ni Renz ngayon.
Tangina, di ako makatulog nung nalaman ko yun.
Alam mo kung ano pa mas masakit don?
Yung hindi man lang niya sa'kin kinwento 'yon, akala ko ba bestfriends? Baka nakalimutan niya na ako.
Yun yung masakit don eh, BESTFRIEND lang ako.
Ako yung bestfriend niyang minamahal siya ng patago. Ang cliché naman, wala bang iba author?
Nakakaasar kasi eh, ang bagal ko kumilos.
Hindi ako kagad nagtapat, naunahan tuloy ako.
Naduwag lang naman ako eh.
Masama ba yon?
Natakot lang ako na baka pag nalaman niya yung nililihim kong pagtingin sakanya, eh baka, alam niyo na...
iwasan niya na ako.
Ayoko naman mangyari 'yon, no.
Unang una, hindi ko kakayanin yon.
Pag iniwasan niya ako, mapapalayo ako sakanya. Masakit yon,hindi ko kaya.
Hindi porket lalaki ako, malakas ako, matatag ako. Pare-parehas lang rin tayong tao na mahina pagdating sa pag-ibig.
Pangalawa, ayokong masayang yung pagkakaibigan namin.
Sayang kaya. Ang tagal tagal na naming magbestfriend noh. Marami na kaming napagdaanan, marami na kaming nagawang memories. Siya yung nandyan pag may problema ako, ako naman yung andyan para sakanya pag siya yung may problema. Handa naming tulungan ang isa't isa.
Ang problema nga lang,
sa sobrang pagkaclose namin.
Tumaas pa lalo yung pagtingin ko sakanya,
Napamahal ako sakanya.
Mahal na mahal.
Kung inaakala niyong as a bestfriend,nagkakamali kayo.
Kung inaakala niyong as a sister, nagkakamali kayo.
Lagpas pa don.
Naranasan niyo na ba 'to?
BINABASA MO ANG
Na-fall sa paasa?
JugendliteraturNaranasan niyo na bang ma-fall sa taong paasa? Yung tipong ikaw lang pala yung nagmamahal, ikaw lang pala yung may nararamdaman,at yung ikaw lang pala yung naglalagay ng meaning sa LAHAT?