[GIA'S POV]
"Oops, sorry Renz. I didn't know na hindi mo nasabi sa kaniya."
"Sinungaling ka." sabi ko sa napakagaling kong boyfriend.
"Hindi, Gia. Mageexplain ako, makinig ka muna sa akin please please."
Tumakbo ako pauwi at iniwan ang boyfriend kong bwisit. Magsama sila ni Demi.
"Gia! Ano ba!" narinig kong sigaw ni Renz bago niya ko hawakan sa kamay.
"I hate you Renz! Sinungaling ka!" paulitulit kong sinasabi sa kaniya habang pinapalo yung kamay niyang nakakapit sa akin.
"Oo, sorry na. Stop ka muna, please? Wag ka na umiyak, baby oh? Sige na"
Pinunasan ko yung mga luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala at tumingin kay Renz, bakit ba sobrang gwapo netong baby ko? Sobrang swerte ko.
SINUNGALING NAMAN, HUHU.
Niyakap ako ni Renz bago siya magexplain, "Kasi baby, kalilipat lang nila dyan sa bahay na yan. Tas pumunta ako ng mall para bumili ng charger kasi naman kinagat ng aso namin e. Kaya yun, hindi ako nakakapagtext sa'yo" sabi niya sabay pout. Cutie! Hihi. :"> kalma, Gia. Galit ka. Bad siya.
"Tapos pauwi na ko nasa exit na nga ako ng mall nong nilapitan niya ako, tinanong niya kung pwede daw bang samahan ko siya dahil wala pang tao sa kanila at nakalock bahay nila kaya hindi siya makapasok. Edi ako naman, para dagdag pogi points-- UY GIA! SAAN KA PUPUNTA?!"
"Kumuha ka ng dagdag pogi points don kay Demi! I hate you! Break na tayo!" sigaw ko sa kaniya at naglakad na palayo. Galit na galit na talaga ako kay Renz! Bwisit! Bakit ba ganon siya? Seryoso kasi ako e. Akala ba niya nakakatuwa na makitang may kasamang iba yung mahal mo? Sobra sobrang sakit. Lalo pa ex niya yon. Baka nga mahal niya pa din yon e. <//////3
Dire-diretso lang ako habang nakakunot noo. Tangina e. Damn you, Renz Ceren!!!
Mababaw ba ako? Mababaw ba dahilan ko? Dapat ba patawarin ko si Renz? Ang sakit sakit e. Bakit ba masakit? Akin naman siya diba? Ako girlfriend niya kaya sigurado ako na mahal niya ako. MAHAL BA TALAGA NIYA AKO?
Huminto muna ako sa paglalakad kasi sobrang sakit e. Ang bigat bigat para sa akin ang gumalaw. Nasan ba si Renz? Hindi man lang ba niya ako susundan? T__________T sobrang lungkot naman. Baka nga mahal pa din niya si Demi.
"Gia, sorry na. Nagbibiro lang ako para gumaan yung usapan natin.." napatingin ako sa nagsalita at lalo akong naiyak.
"Renz! Huhuhuhuhu, akala ko hindi mo na ako susundan e."
"Pwede ba naman yon? E, mahal na mahal kaya kita. Wag ka na umiyak please? Sige ka papangit ka nyan."
Iyak pa din ako ng iyak. Kasi naman e. Hay bakit ba ganto ako.
"Tahan na, ha? Tara, uwi na tayo sa inyo. Maggagabi na oh. Papagalitan tayo. Tahan na Gia..." tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Promise, hindi na po ako magsisinungaling at sasabihin ko na mga ginagawa ko." tumango nalang ako para matapos na at umuwi na kami. Ayoko na umiyak. Wala ako masabi sa kaniya e.
[Renz's POV]
Kanina pa hindi nagsasalita si Gia, sht. Hawak hawak ko lang kamay niya. Ano bang ginawa ko? Bakit ba ang gulo gulo.
Mahal ko naman si Gia e. Bakit ba nakalimutan ko siya nong kasama ko si Demi?
"Renz, mahal mo pa ba si Demi?"
"H-ha? B-bakit mo naman natanong yan?" hindi ko alam, Gia. Hindi ko alam yung sagot.
"W-wala... Renz, I love you." Ang lambing naman ng girlfriend ko. :) napangiti tuloy ako.
Patuloy pa din kami naglalakad nang huminto siya.
"Bakit, Gia?" nakatingin lang siya sa baba, hindi ko makita mukha niya.
Tinaas niya na ang tingin niya at ngumiti sa akin, malungkot na ngiti. Alam kong dahil sa akin yon. Ano kaya iniisip niya ngayon?
Tinititigan ko lang si Gia ng bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Ngumiti siya pagkatapos. "Tara na!" masigla niyang sinabi sa akin. Ngumiti lang ako at naglakad na kami uli.
"Renz baby, paano kung mahal ka pa ni Demi? Babalik ka ba sa kaniya?"
"Gia, imposible mangyari yon."
"Pero paano kung nangyari nga, ano gagawin mo?"
Bakit ba ang kulit ni Gia. Malay ko ba. Ano ba gagawin ko? Wala? E may girlfriend na ko e. Diba? Hindi ko na pwede balikan si Demi.
Kanina oa paulitulit ng tanong si Gia. Sa totoo lang, nabibwisit na ko. Tatahimik tas magtatanong na naman. Ano ba naman.
"Dito nalang ako." hindi ko namalayang nasa bahay na pala nila kami.
"Aalis na ako. Bye"
"Renz wait. Uhm sorry ang oa ko kanina. Kasi sa totoo lang, natatakot talaga ako na baka iwan mo ko kasi nandyan na uli si Demi. Feeling ko kasi hindi mo ko mahal. Feeling ko mas gusto mo siya kaya anytime pwede kang bumalik sa kaniya. Yun lang. Love you, boyfriend! Bye!" *kiss*
Nakapasok na si Gia nong narealize ko na hinalikan niya ko sa pisngi...
.
.
.
.
.
.
.
.
Wowwwwwww....
Bakit hindi ako kinilig? Mahal ko ba talaga si Gia?
**
"Ma, I'm home!"
"So?"
-____-
"Thank you po ha! Psh.." sabi ko sabay salampak sa sofa at gulo sa buhok ko (para hot hehe)
"Ano problema, anak?"
"Daddy, paano mo nalamang mahal mo si mommy?"
Hindi ko alam kung ano meron pero nasamid daddy ko sa tanong ko..
"Ahem, ahem.. Bakit mo naman natanong yan?"
"Wag mo sabihin kay mommy ha? Pero kasi hindi ko ata mahal si Gia." bulong ko kay daddy..
"ANO?!"
"E kasi nong nakita ko si Demi nong unang araw nila dyan sa bagong bahay nila, parang kinilig ako."
"Bakla ka ba, anak?"
"Daddy naman!" saway ko sa daddy ko. Kulit e. Ayaw ako seryosohin. "Yun nga. Tas nong bumili ako charger para matext si Gia, nakita ko si Demi. After non, nakalimutan ko na may girlfriend pala akong naghihintay sa akin"
"Hiwalayan mo na si Gia" singit ng isang boses na ikinagulat ko
"Bakit ka nandito?!"
--
Note : Sorry po ang tagal tagal ng update. Grabe 1 year na. Naging busy po kasi kaya hindi ko maisip kung ano ilalagay. Sana po nagustuhan niyo tong chappy. Thanks po! <3 -S.
BINABASA MO ANG
Na-fall sa paasa?
JugendliteraturNaranasan niyo na bang ma-fall sa taong paasa? Yung tipong ikaw lang pala yung nagmamahal, ikaw lang pala yung may nararamdaman,at yung ikaw lang pala yung naglalagay ng meaning sa LAHAT?