Chapter 17: Good luck

1.1K 11 0
                                    

*Aya's POV*

"Maghintay ka! Hindi mo sinasabi agad tapos nagmamadali ka!" sigaw ko kay Renz.

Yep. Si Renz..

Nandito siya sa bahay, nagpapatulong sa assignment tapos sabi pa sa akin hindi daw ako marunong kaya eto kami ngayon papunta kila Gia. Ewan ko ba kung ano nangyari dito at gusto pumunta don. -__-

"Tara" aya ko sa kaniya..

Naghihintay na kami ng jeep papunta don kila Gia..

Tahimik lang siya..halatang may iniisip..

"Anyare sa'yo?" tanong ko..

"Huh?"

"Hindi ka mapakali dyan e."

"Ano pinagsasabi mo?"

"Wala! Ewan ko sa'yo. Labo mo kausap -__-"

Sumakay na kami ng jeep..

"Libre mo'ko" sabi niya sa akin ng nakangiti.

Bwisit to. :| napakagentleman.

"Pwet mo! Magbayad ka magisa!" sabi ko kay Renz.. "manong oh, bayad. Isa lang" sabi ko kay manong.

"Sus, ba yan."

"Ano ba nangyare sa'yo at gusto mo pumunta don kila Gia?"

"Magpapaturo nga!! Kulit -___-"

"Okay, sorry ^__^" yan na lang nasagot ko kasi baka maasar pa 'to. Hahahaha!

*Gia's POV*

Nanonood kami ng movie ngayon dito sa amin.

Kasama ko si Bryan, kumakain kami ng ice cream.

Mango flavor.♥ mehe. Favorite ko 'to. ^__^

"Ubos na ice cream, bili tayo. Please?" sabi sa akin ni Bryan tapos nagpuppy face pa. Nyaha! I don't know but I find it cute when a boy do that kind of face. :">

"Hoy!" sigaw ni Bryan sa akin.

"Ay! Ano?!" nabigla kong sigaw.

Nawala ako sa sarili ko. Hahaha! Napatitig kasi ako sa puppy face niya. Ang kyoot kyoot kasi talaga.♥

"Ice cream -__-" matipid niyang sagot sa akin.

"Tara"

Pinause ko yung movie tapos lumabas na ng gate paglabas namin..

"Hoy Gia."

O________O what the?!

"Aya? Renz?"

"Patulong kami sa homeworks ^__^" nakangiting sagot sa akin ni Aya

"O-o-okay?" nauutal utal kong sagot na patanong. Kasi naman! Nakakabigla. >_<

"Hi Aya, hi Renz. Buti nandito kayo. Makakasama kayo sa bonding namin ^__^" singit naman ni Bryan

Friendly 'tong si Bryan e. Kahit parang bully. >:)

"Sama muna kayo sa amin bumili ng snacks ni Gia. Nagmo-movie marathon kasi kami e. Sama na kayo. Para namang maging kaibigan ko kayo. Hahaha." dagdag pa ni Bryan

"Sige!" masiglang sagot ni Aya

Habang si Renz naman...

Hayun! Dire-diretso lang papunta sa convenience store.. -__-

Naglalakad na kami tapos nagkukulitan lang sila Bryan at Aya

Sige. Dalawa kong bestfriend. Iwanan niyo ko. THANK YOU HA? -__-

Nahuhuli ako. Sabay maglakad si Aya at Bryan. Si Renz naman nauuna :|

*

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw namin ni Aya. Nakakatakot kasi 'tong pinapanood namin.

"Ingay!" sabat ni Bryan

"Sorry ha? Nakakatakot e." sabi ko

Tumawa lang siya tapos...

"Halika nga dito.." sabi niya sa akin ng nakangiti tapos sabay akbay. :">

Waaa, landi ng bestfriend ko. :P joke. XD

"Pwede ba wag kayong maingay?" sabi ni Renz

O__O problema non? -__-

Bahay niya 'to?! Hahaha.

Tss, inayaan ko na lang.

"Gia! Dinner muna." twag sa amin ni Manang.

"Okay!" sagot ko kay manang. "Hoy, tara." aya ko sa kanila tapos pumunta na kami sa dining room..

Tahimik lang kaming kumakain tapos napansin ko nagkascratch ako sa arms ko.

"Hala? Saan galing 'tong sugat na 'to? Biglang sumusulpot. Ang epal.." sabi ko sa sarili ko pero tama lang para marinig nila..

"Nakakainis nga yung ganyan! Hahaha! Hindi mo alam kung saan galing." sabi naman ni Aya sa akin..

"Sobra! Nakakabwisit! BIGLANG SUMUSULPOT! Ayos na lahat e. Tapos lalabas, ewan mo kung saan nanggagaling. Parang yung mga tao ngayon."

Luuuh? Problema netong si Renz? FC lang? Hahaha! Joke. Sinong tao tinutukoy nito..? O__O idiniin pa talaga yung "biglang sumusulpot" na words e.

"Sino?" sabay naming tanong ni Aya

"Matagal na kayang nandyan. Hindi mo naman alam. Mas matagal ko kaya 'tong kasama. Kaya sino ngayon yung biglang sumusulpot at sumisira ng lahat?"

Waa! Ano nangyayare sa dalawang tao?

Napatayo si Renz.

Nagulat ako tapos si Aya nakangiti lang

Nakatingin si Renz kay Bryan at ganon din si Bryan kay Renz..

Hala, hala. Ano nangyayari?

"Matagal nga kayong nagkasama.. pero umalis ka diba?! Okay na e! Sumingit ka naman!" -Renz

"Well.. ganon talaga. That's life, dude. PAUNAHAN NA LANG." nakangiting si Bryan nung sinasabi niya yan kay Renz..

Sino kaya tinutukoy netong mga to? Si Demi? Gusto kaya ni Bryan si Demi? Kasi ang alam ko si Demi ang gusto ni Renz. :// Waa! No. Pati ba naman si Bryan ko. Hahaha! echos lang.

Halatang naiinis na si Renz

"I think you're gonna need this.." tumigil si Bryan, tumingin sa akin ng nakangiti tapos nagsalita uli. "good luck" sabi niya sabay kindat kay Renz

Author's note:

Ano kaya mangyayari sa kanila? Nyaha. >:) abangan niyo, ha. ^__^ -Sofieee :)

Na-fall sa paasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon