Chapter 9: picture

1.4K 14 0
                                    

GIA'S POV






SINEEN AKO? Walangyang lalaki to.






Pinatay ko na yung laptop ko, tsaka ako humiga.






"Iha, wag mo'ng kakalimutan magshower bago matulog pinapaalala ng mama mo." sigaw ni Manang






Nakwento ko na ba sainyo si Mama? 






Si Mama, mabait yan. Maalagain. Lahat gagawin niyan para lang mapatapos ako. Malambing yan si Mama kaso ngayon, sobra na siyang busy sa pagtatrabaho.






Minsan hindi na niya ako nasasamahan magmall, nakakatampo oo, pero naiintindihan ko naman.






Dalawa kasi kaming magpkapatid, kung ano ang meron ako dapat meron din ang nakakabata ko'ng kapatid. Pantay kasi ang pagmamahal niya, walang lamang, yan ang gusto ko kay Mama.






"Sige po manang, pakisabi Goodnight." sigaw ko rin naman. Pero mukhang hindi narinig ni Manang, kaya tinext ko nalang si Mama.






Nilapag ko na yung cellphone ko at dumiretso sa CR.






Habang naliligo ako, hindi ko mapigilang magisip ng mga bagay-bagay.






Andaming tanong ang umiikot sa isip ko..

Na-fall sa paasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon