Chapter 23: Promise

1K 14 1
                                    

*During Math Class*

"Goodmorning Class!" sigaw ng teacher namin.

Napakalakas naman talaga ng boses neto si Ms. Garcia.

Inangat ko na yung ulo ko, at paglingon ko lahat pala natutulog din.

"Mukhang lahat kayo antok,ha? Pwes magigising kayo sa balita ko." sabi ni Ms.

Ano naman kaya yun?!

Nakakacurious.

"Meron kayong activity. 3 days niyo lang to gagawin, pero not on my class. Kayo na bahala, diskartehan niyo nalang, kung kaylangan sa bahay ng partner, edi pumunta kayo. Basta siguraduhin niyong hindi mukhang basura yung ipapasa niyo ha, dapat maganda."

Natuwa naman ang lahat don. HAHA.

Fail yung pananakot samin ni Ms. Garcia. >:)

Halos lahat nagtayuan, at nagsipuntahan sa mga bestfriend.

At syempre, mala-flash ata ang bilis ni Bryan.

Nandito na kagad sa tabi ko.

"Partner tayo ha,bespren ^_^" sabi ni Bryan sakin.

"Oo na, grabe ambilis mo ha. XD" sabi ko habang natawa.

"Mahirap na, madaming mangaagaw na biglaang sumusulpot diyan." sabi ni Bryan sabay irap.

Ang cute cute niya pag naiinis. :"> HAHA.

Kahit hindi na niya sabihin, alam na natin na si Renz yung tinutukoy niya.

Asa naman siya na kukunin akong partner nun, eh hindi nga nagpaalam yon nong Sabado.

"Hep hep!" malakas na sigaw ni Ms.

"Aba, sino nagsabi kayo ang mamimili ng partner?" sabi niya ng may malokong ngiti.

Badtrip!

Eto na nga lang bonding namin ni Bryan e. :|

"Bumalik kayo sa mga upuan niyo."

Kaya naman nagpaalam na sakin si Bryan, at umupo sa upuan niya.

Bigla lang pumasok sa isip ko si Renz.

Kaya naman liningon ko siya,

syempre yung pasimpleng tingin lang.

Asan na ba yun?

Bat di ko makita?

Bahala na nga.

Kaya humarap nalang uli ako.

Sinabi na ng teacher namin yung mga magkakapartner.

Tapos biglang may pumasok ng room,may hawak na ice, yung para sa ulo.

Si Renz.

Syet, ampoooogi niya! 

Lalo na't nakatapat sakanya yung sun. :')

Galing ng clinic pala.

Inaabot niya kay Ms. Garcia yung clinic form, para signan.

Pero inisnob lang siya.

"Ano ba? Sisignan mo ba o HINDI? Ang sakit sakit na nga ng ulo ko e." malakas at madiin na sabi ni Renz.

Lahat kami nabigla.

Pati narin si Ms. Garcia.

Kaya naman, wala na siyang nagawa, sinignan niya na yung clinic form ni Renz.

Na-fall sa paasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon