Hi New Update for today. Pasensya na kung maiksi
See Jhon Karl & Aerol/Lorea at the Media . Pasensya na rin sa pic ni Aerol wala po kasi akong mahanap na Tan color ee . ^____^v
~~~~~~~LOREA****
Mabilis na nag daan ang oras, natapos na rin ang klase ko na walang ginawa kundi matulog, kung hindi man tulog Mag D-day Dream. Hahahah kaya nga nagtataka ako kung bakit pumapasa pa rin ako. Char lang day. Nag aaral naman talaga ako sometimes lang naman ako natutulog o nag dday dream pag BORING ang klase.
---
Inayos ko ang mga gamit ko at isa isang ipinasok sa bag ko. Ayan Ready na akong umuwi.Pag kalabas ko ng Room ay bumungad sakin ang Besfriend kong si Kent nakasandal sya sa Pader kaharap ko, nakatungo lang sya at yung kaliwang kamay ay nasa kanyang bulsa samantala yung isa ay nakahawak sa kanyang backpack na nakasukbit sa kanyang kanang balikat. Ayan Detalyadong Detalyado pa yan. At ang cool lang nyang tignan.
"HOY! Anong ginagawa mo dyan?" Pag tawag ko sa kanya dahan dahan naman nyang iniangat ang ulo nya at doon nasilayan ko ang gwapong pagmumukha nya.
Ang gwapo talaga nitong si Bestfriend kaya nga Crush ko yan ee.
Mag sasalita na sana sya ng may dumaang dalawang babae huminto ito sa harap nya at binati sya
"Hi Kent" sabi nung isang maputi at maganda rin naman pero parang I hate her guts? Feeling ko lang...
Tinaasan lang nya ito ng kilay at umalis sa kanyang kinasasandalan at nag lakad papunta sakin bigla nya akong hinatak sabay sabing "Halika na ang tagal mo" charuaght lang sa kanya ano? Ang sungit talaga nito kahit kelan lalo na sa mga babae.
Okay naman kami pero sinusungitan pa rin nya ako at dahil sa Bff ko sya iniintindi ko na lang. May kunti akong alam tungkol sa kanya pero Secret daw sabi nya ee kaya. Secret lang muna . ZIPP
Nag lalakad na kami ngayon pauwi. Di naman kami mag kapit bahay kasi nasa ikalawang kanto sya samantala ako nasa ika-anim na kanto pa.
"Bat ba nag papaka-bitter ka kent sayang naman yung mga babaeng magaganda na lumalapit sayo. Sinusungitan mo lang, ano ba yun? Always kang Meron?" Tanong ko sa kanya para hindi naman kami nag mumukhang pepe at bingi kasi kanina pa kaming walang imikan ee, di ko naman kaya ang hindi dumaldal kasi Tradisyon ko na yun.
Pero ang gagi hindi man lang pinansin ang tanong ko , parang wala ako dito sa tabi nya at hindi nag eexsit. Nakakaasar kaya ang ganyang Treatment.
"Hoy! Kanina ka pa walang imik dyan mag salita ka nga" siniko ko sya para naman maramdaman nyang may kasama sya.
Tinignan lang nya ako na may halong pagkainis. Aba sya pa talaga may ganang mainis ee ako nga dapat ang mainis dito dahil kanina nya pa ako di pinapansin.
"Haaay ewan ko nga sayo. Wala kang kwentang kausap" sabi ko at nag patiunang mag lakad sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad para hindi nya ako maabutan. But someone grab my back pack kaya napahinto ako sa paglalakad at biglang hinila.
"Oy yoyoyoyoy!" Reaksyon ko nung nahila ako nakilala ko naman to agad dahil maliban kay kent ay wala na akong kasama . Napasandal ako sa tabi nya at inakbayan
Tumingala ako para makita sya pero deretso lang ang tinginn nya. Nakatingin lang ako sa kanya ng ilang minuto napansin naman nya ito kaya nilingon nya ako na nakataas kilay. Syempre na imbyerna ako kaya sinubukan kong kumawala sa akbay nya. But I failed kasi mas lalo nyang hinigpitan.
"Aray ha. Ano bang problema mo?" Bulyaw ko sa kanya.
"Tss. Wala wag ka ngang pa pakipot dyan alam ko namang gusto mo naman to e" nanlaki ang mga tenga at mata ko sa mga sinabi nya.
"Aba ang kapal ha. Hahaha In your Dreams! Pakawalan mo na nga ako di ako makalakad ng maayos" ang natatawa kong sabi, di nya ako sinunud pero medyo niluwagan nya ang pagkakaakbay nya sakin.
"Sus sige tanggi ka pa" siniko ko naman sya sa tagiliran nya. Assumero ee. Hahaha nakita ko namang napangiti sya sa ginawa ko kaya pagkakataon ko na to para inisin sya.
"Oy ngumiti sya" sabi ko tsaka sinundot sundot ang tagiliran nya. Agad na mang nawala ang nginti nya at sumimangot uli . Ahahaha nakakatawa naman to. Ang cute lang tignan. Kung titignan mo kami sa malayo ay para kaming mag jowang nagkukulitan. Hahaaha
"Lubayan mo nga ang tagiliran ko" pagsusungit nito sabay tapik sa maganda kong kamay
"Aray ha! Kung makatapik sa kamay ko" tinigil ko naman ito sabay hinimas ang kamay ko.
Malapit na kami sa lugar ni Bestfriend ng biglang lumakas ang ihip ng hangin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may pirasong Dyaryong lumanding sa mukha ko.
"Ahay! Pweee ano ba yan. Bastos na Hangin to ah" sabi ko sabay kuha ng dyaryo sa mukha ko. May kunting buhangin na pumasok sa bibig ko kaya todo dura ang ginawa ko.
"Ahahahahahahahaha" tawa ng ugok sa tabi ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin pero hindi man lang sya naapektuhan. Hala sige libre lang naman tumawa . Malagutan ka sana ng hininga . Ahe joke lang
"Ano ba to?" Sabi ko sabay buklat ng dyaryong hawak ko. May nakita akong imahe ng lalaki naka topless lang sya at O.M.Gee ang Hawt nya super. Tinitigan ko ang mukha nya kasi hindi ko makita masyado. Medyo malakas pa ang hangin ee. Nag maaninag ko na ang mukha nito ay biglang nag tumibok ang puso ko . Mabagal lang ito hanggang sa bumilis ito sa pag tibok.
Oh! Gash ang GWAPOOO *0* NA LOVE AT FIRST SIGHT YATA AKO! MAY GHAD AKALAN KO HINDI TOTOO ANG MGA GANYAN. PERO ITO ISA NA AKO SA MGA NA LOVE AT FIRST SIGHT! Ay ano nga pala ang pangalan nito? Asan na yun . Hinanap ko ang pangalan niya pero bago ko pa man ito makita ay may kamay na humablot nito.
"Oy ano ba kent! Akin yan. Balik mo sakin. Akin naaa!" Taranta kong sabi at pilit na inaagaw sa kanya . Pero itinaas nya ito kaya hindi ko maabot. Hanggang balikat lang nya ako ako. Kainis bat ba pinanganak akong pandak?
"Akin na kent. Balik mo sakin yan. Ano ba! Akin na kasiiii" pilit ko pa ring inaagaw sa kanya .
Binuklat nya ito gamit ang dalawa nyang kamay habang nakataas ito at tinignan
"Teka wag ka ngang makulit!" Sabi nito at medyo tinulak nya ako gamit ang braso nya.
Tumigil naman ako at hinayaan na lang munanl sya. Nag cross arm na lang ako at napasimangot at tumalikod sa kanya.
Parang may binulong syang pangalan pero hindi ko masyado nanrinig. Ilang sandalinpa ay nakarinig ako na parang pinupunit kaya agad akong na patingin sa kanya at nataranta na naman dahil pinupunit na nya yung dyaryo.
"Aaaaah! Wag kent! Wag mong punitin . Akin na yan. Kelangan ko makita ang pangalan nya. Ahuhuhuhu kent wag ! Kent naman eh..." sabi ko na pilit inaagaw yung dyaryo pero huli na dahil nag kapera peraso na sya. Walangya. Walang modo.
Tinignan ko Sya ng masama. To the highest level. At dahil sa inis ko ay gusto kong sigawan sya. Pero hindi ko kaya , umurong ang dila ko ng makita ko ang mukha nya parang may pinapahiwatig sya. Parang nag papaawa sya na hindi ko maintindihan kasi may halong pagkasimangot sa mukha nya. Inis na talaga ako sa kanya at dahil nga hindi ko sya masigawan ay sinipa ko na lang sya sa paanan nya
"Aray! Aaahrrg oooh bakit mo ko sinipa?" Sabi nya habang hinihimas ang parting sinipa ko
"CHE!" Sabi ko sabay walk out
------
Subikan ko mag ud mamaya
BINABASA MO ANG
Mr. Dream Boy (BxB)
Randomwala akong masabi. just read na lang My story :) Sorry in Advane kung may mga wrong tpyos man. try to understand na lang THANK YOU!