Chapter 1

71 3 0
                                    

LOREA***

"Taaay! Naaay! Alis na po ako!!" Sigaw ko ng Bonggang bonga. Nasa pintuan na ako ng aming Kastilyo samantalang si Itay at Inay ay nasa mumunti naming tambayan medyo malayo yun kaya need ko pang sumigaw. CHAR lang yun kastilyo day isipin mo na lang yung kabaliktaran. Hahaha

O sya nga pala magpapakilala ako. Hi ako nga pala si Aerol Pitt Cabaguing, but you can call me Lorea, kung saan ko nakuha yan? Syempre sa pangalan ko lang, binaliktad ko lang. 17 taong gulang na at College na, ang kinuha kong kurso ay Interrior Designer tas anak ako ni Itay at ni Inay pero ang Problema ay Ampon lang ako. Baby palang daw ako nung makita nila ako sa altar ng Simbahan ng San pedro. At ang tunay kong magulang? Unknown pa ,

di ko nga alam kung magagalit ako sa kanila o hindi kasi ang sabi sakin ni Inay BAKA MAY DAHILAN DAW KUNG BAKIT NILA AKO INIWAN SA SIMBAHAN kaya hindi muna ako nagalit pero hindi ko maiwasang malungkot at magtampo. Ah bahala sila . May kuya ako, si kuya Arvin, pero wag kayo kahit maitim yang si kuya dahil Expose palagi sa araw ay nag uumapaw ang kagwapuhan nyan mana kay Itay at mabait, maalalahanin at maginoo pero medyo bastos hahaha

at ako Expose din sa araw pero maganda pa rin. Chos lang day pero totoo? Hahah basta yun na yun. Dalawa lang kaming magkapatid. Tatlo sana kung hindi lang namatay si ate Anica, hindi ko pa naman nakita si ate kase baby pa lang daw sya noon ng kunin sya agad ni lord.

Okay putulin muna natin ang tungkol sa buhay ko. Next time nalang . May pasok pa ako ee.

"O SIGE ANAK MAG IINGAT KA! AY TEKA YUNG BAON NG KUYA MO DALA MO BA?" Sigaw pa balik ni Inay.

"OPO ITO PO OH!" Sigaw ko din sabay taas ng plastic bag na may lamang Baon ni kuya.

"OH SIGE , PAKIDAAN NA LANG KAY KUYA MO HA? AT MAG IINGAT KA"-- Inay

"YES MA.DER!! KAYO DIN PO. BABYE!" sabi ko tas kumaway then Gora na.

----
Ng marating ko ang Pinag tatrabahuan ni kuya bilang Constraction worker ay agad ko syang nakita sa taas kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at tinawag sya.

"Koooyaaa Arviiiiiin!!" Sigaw ko agad naman syang tumingin sa baba para makita kung sino ang sumigaw , nakakita lang naman sya ng kakaibang kagandahan at ako yun. Chos lang day.

Nakita ko syang ngumiti at suminyas na baba na daw sya. Kaya nag lakad ako papasok sa tinatayo nilang bahay . Binati ako ng mga katrabaho ni kuya kaya ginantihan ko ito ng ngiti.

"Oh bakit prinsesa?" Hehehe Cs ni kuya sakin nyan . Di naman ako umaangal kasi totoo naman na prinsesa ako samin hahahaha

Tinaasan ko lang sya ng kilay at nakuha naman nya ang ibig kong ipahiwatig

"Ay oo nga pala nakalimutan ko na naman ulit ang baon ko, kaya pala pakiramdam ko may nakalimutan ako . Salamat sa pag dala nito Prinsesa ko" sabi ni kuya sabay pisil sa pisngi kong cute hahahaa aray!

"Aray kuya masakit ah!" Pag ririklamo ko sabay tapik ng kamay niya at hinimas ko kanang pisngi ko.

"Sorry ang kyut lang kasi ng kapatid ko!" Nakangiti pa to ng wagas.u alam nyo readers kung hindi ko lang to kuya, marahil ayCrush ko na to. Ang gwapo kasi eh. Labas pa yung dimples . Ay ang landi ko na. Pati kuya ko pinag papatansyahan ko na.

Wait anong oras na ba? May pasok pa pala ako ee . Nako kelangan ko ng mag madali. Baka malate pa ako. Siguradong pagagalitan na naman ako ng Teacher ko. Tsk!

" kuya alis na ako . Baka malate pa ako ee." Natataranta kong sabi

"Hala! oo sige. Mag iingat ka prinsesa ha, uwi ng maaga." --kuya

"Opo! Bye na! Ay teka!" Paalis na sana ako pero bumalik ako para...

*tsup

(^_____^) kuya
(^3^) ako

Hinalikan ko lang naman sya sa lips. Di joke lang sa pisngi lang. Kadiri kaya pag ganon .

" Bye kuya . Ingat ka din" sabi ko then gora na.


------
Nakarating ako ng school. Dali dali kong tinakbo ang papuntang room . Nag ninjamoves pa ako makapunta lang agad ako. Marami kasing nakaharang sa daan.

Na late nga ako, pati si sir hahahaha bakit? Easy lang. Magkasabay kasi kaming pumasok. At 7:40 na . Dapat at 7:30 ay nag sisimula na ang klase.

_____

LUNCH***

Agad agad? "Ang bilis naman ng oras" bulong ko sa sarili

"Kasi naman natulog ka lang sa 3 subject natin at talagang hindi mo mapapansin ang oras" nagulat ako sa nagsalita mula sa kaliwa ko. Pagtingin ko ay si Kent lang pala.

Siya si Kent Jasper Villalino . Gwapo din yan at samaniwala kayo't sa hindi manliligaw ko yan. Syempre wag kayo maniwala biro lang hahahaha . Bestfriend ko yan. Mabait yan pero pag dating sa mga babae masungit yan. Same age lang kami. Nung una nag suffer talaga ako e-approach yan. Sukdulan kasi sya ng sungit. Natatandaan ko pang nag hihingalo na ako noon . Ang dami kong ginawa maging kaibigan ko lang sya. Ang dami kaya nyang inutos, tapos lahat mabibigat. Pero worth it naman.

-----
Hanggang dito na lang muna hehehe

Mr. Dream Boy (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon