Chapter 8

55 3 0
                                    

Parang nasa mood yata ako mag update hehehe..

Good morning.... ito na , Enjoy reading :) :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

**Aerol**


Nagising ako, na parang may yumuyugyog sakin. Agad akong napaupo sa pagkakatulog mula sa gilid ng kama ni kuya at humikab ... nakaramdam na namamnako ng panghihina ng maalala ko ang pagtatalo namin ni Justin kagabe....

"Anak.. pasensya ka na kung hindi kami nakabalik agad dito ng tatay mo. Alam mo nama" paliwanag ni inay... di ko na lang sya sinagot wala pa akong lakas para mag salita. Nanghihina pa rin ako, maybe sa kakaiyak ko kagabe?


"Nagugutom ka na ba anak? Halika may dala akong pagkain dito tapos may pasok ka pa mamaya" inay

Oo nga baka gutom lang to. Hindi pa rin ako sumasagot pero tumayo na ako at pumunta sa hinahanda nyang pagkain...


______

Pagkatapos kong kumain ay pinauwi na ako ni nanay. Tinatamad akong pumasok pero kelangan...


Pagkadating ko sa labas ng bahay nadatnan ko si tatay ng kausap si Justin. May kalayuan ako mula sa kanila pero sadya atang malakas ang pakiramdam ng dalawa at napatingin sila sakin na ikinahinto ko..

Saglit lang iyon at nagpatuloy na ako sa paglalakad.. imbis sa daanan ako dumaan ay lumihis ako.. doon ako dumaan sa likod ng bahay...

Pagkapasok ko ay agad kong tinungo ang maliit na kwarto ko. Hinanda ko lang naman ang susuoyin ko sa pag pasok.

Lumabas na ako dala ang sisidlan ng sabon at twalya at isinara ang pinto.

Nagulat ako ng may dalawang braso na pumulupot sa bewang ko ng napakamahigpit. Naamoy ko ang pabango nya kaya agad ko itong nakilala...

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo justin? Bitiwan mo nga ako" mahinahon pero madiin ang pagkakasabi ko.

"Sorry" sya

"Ano ba may pasok pa ako justin, bitiwan mo na ako" pagmumumiglas ko

"Sorry na naman oh~ sorry na please" nanlambot ako sa tono ng pagsasalita nya.

Ito na naman..may mga luhang nagbabadyang kumawala... pinilit kong humarap sa kanya pero hindi pa nya ako bitibitawan. Medyo nakaliyad ako dahil malapit na ngayon ang mga mukha namin . Kitang kita ko ang maluha luha nyang mga mata at lungkot. Di ko nga alam all of a sudden ang mukhang walang pakialam at ubod ng suplado, ngayon ay parang maamong pusa.

"Di ba sinabi ko na sayo na ayaw na kitang makita? Di ka ba nakakaintindi o sadyang di ka marunong umintindi?" Sabi ko , and finaly ay nakawala na ako sa pagkakayakap niya. Dahil tinulak ko talaga sya. Masakit nga sa bewang eh.

Umiling iling lang sya at humakbang papalapit sakin pero agad ko syang nahawakan sa balikat at mabilis na itinulak papalabas ng bahay..

"Umalis ka na" di ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na naman ako. Naalala ko na naman kasi yung trahedya at yung mga sinabi nya sa ospital.

Di ko alam kung bakit ayaw ko na syang makita... I mean, ayaw ko lang muna sya makita pero yun ang lumalabas sa bibig ko.

"Aerol di ko naman sinasadya sabihin ang mga yun. Nadala lang ako sa galit. Ka-kasi"

"Kasi ano?" Sigaw ko

"Aerol, ayusin naman natin to..wag mo naman akong ipagtabuyan..diba mag bestfriend tayo? Bumalik na tayo sa dati, ayoko pang umalis" Sabi nya

Mr. Dream Boy (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon