Chapter 9

80 3 1
                                    


Wala akong masabe :)

~~~~~~~~~~~~

**Aerol**

MAsarap ang tulog ko pero nagising ako ng maramdaman kong biglang uminit ang balat ko sa pisngi ..

"Anak gising na, nang makapag agahan kana, may gagawin ka ba ngayon araw?" Bungad ni inay sakin . Dahan dahan akong napaupo sa pagkakahiga, Bigla kong naisip si Justin at kung ano ano pang masasayang alaala ang pumasok sa isip ko... ang sakit, ang sakit palang iwan ka sa ere, di man lang sya nagpaalam...pero di naman ako papayag kung magpaalam syang aalis at mag puntang state...

"Anak tulala ka na naman, ilang araw na kitang napapansing ganyan, sabihin mo, ano yang bumabagabag sa loob mo? Makikinig ako"

Napaisip ako, sasabihin ko ba kay inay? Mas mabuting wag na lang, ayokong pati ako problemahin nya at alalahanin nya, kaya kailangan kong ayusin tong sarili ko, kumusta na kaya si kuya doon sa ospital?
Nako , kelangan ko ng mag hanap ng trabaho, hihinto nalang muna ako sa pag aaral,

"Nay...hihinto na lang po ako sa pag-aaral, gusto ko pong mag trabaho at tulungan kayong makapag ipon para sa operasyon ni kuya" nanlaki ang mga mata ni inay sa sinabi ko, expected ko na yun at alam kong hindi sya papayag..

"Hindi pwede anak, sayang naman ang pagkakataong ito, wag kang mag alala kaming itay mo ang bahala dito, basta ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo" sabi ko na ngaba eh, bigang parang may Light bulb na lumitaw sa ibabaw na ulo ko kunwari, at nakaisip ng paraan.

"Eh nay nakahanap na po ako ng trabaho ko, kaso medyo malayo po yun, sa makalaw na ang alis namin ng kaibigan ko, at stay in po ako doon, sayang naman yun.. tsaka wag kayong mag-alala pag may pagkakataon, doon ko nalang po ipagpapatuloy ang pagaaral ko" oh diba? Yan ang naisip ko, lahat yung mga sinabi ko imbento ko lahat yun, sorry nay, para naman to kay kuya eh.. masyado kong mahal si kuya kaya gagawa talaga ako ng paraan para gumaling sya,

Nakita ko ang pag kadismaya sa mukha nya, sorry talaga nay kung kelangan kong mag sinungaling.

"Saang lugar naman yang papasukan mong trabaho anak? Nang mabisita kita doon"

"Sa maynila po nay" sabi ko tapos , ngumiti

"Juice kong bata ka! Bakit ang layo layo? Pano ko naman malalaman kung, mabuti ang kalagayan mo?" Pag papanic ni inay

"Nay naman, anong silbi ng cellphone? May cellphone naman ako tapos hiramin mo na lang kay kuya yung sa kanaya, pwede naman tayo mag tawagan kung miss na natin ang isat isa"

( Fastforward )


7,680 pesos, pwede na tong ipon ko, mag iiwan ako ng limang libo kila inay at itay, at itong sobra, pamasahe at budget ko na to sa byahe..

Ngayon ko lang na realise na napaka hirap pala ng pinasukan ko, pero okay lang para kay kuya at sa pamilya ko...makikipagsapalaran ako.

Ginawa ko na ang daily routine ko, naligo, nagbihis, kumain at toothbrush... ang plano ko today ay magpunta sa schoolat mag drop out, kukunin ko na rin yun mga papeles, baka doon ko na lang talaga ipagpatuloy ang pag-aaral ko habang nag tratrabaho.

Pagkadating ko sa school ay agad ko itong inaksyonan...
Mabilis lang ang proseso, dahil tinulungan ako ng Dean, nasabi ko na bang close kami nyan?

So ayun nga nilisan ko ang school na yun ng may ngiti sa labi, this is! Wala ng atrasan to.

Pagkabalik ko sa bahay na kanina pa pala silang naghihintay sakin para sabay sabay na kaming pumunta sa ospital, ah nga pala alam na ni itay na luluwas ako ng maynila para magtrabaho, nung una ayaw nya pumayag, pero pinaintindi na ni inay ang lahat sa kanya, at ayun pumayag din kahit labag daw sa loob nya. At si kuya ay naoperahan na, himingi kami sa doktor na bigyan kami ng isang taong palugit para makapag ipon at makapagbayad ng buo, nahirapan din kaming dun, at dahil sa naawa ang doktor ay pumayag na rin sya..

Ngayon naman ay pupunta kami sa ospital para bantayan sya ni inay at ako naman ay makapagpaalam kay kuya.

FASTFORWARD na lang natin , magpapaalaman lang naman sila at mag iiyakan



Ngayon ay nandito na ako sa terminal, di na ako nag pahatid kay itay dahil baka malaman nyang gawa gawa ko lang yung mga sinabi ko, pero tototohanin ko to,

Hindi lang ako nag iisang tao ang nag hihitay ng buss para maynila, madami kami, inaayus pa daw yung gulong ng buss para maynila, may nakakausap din naman ako para mawala yung bored, at ng makarating na yung buss ay isa isa na kaming sumakay,

Ito na to. Paalam sa lugar na ito,..
Ma mimiss ko kayong lahat lalo na yung pamilya ko. Ingat sila palagi,

Kinakabahan man ay pinilit kong kumalma,matapang ako, dito ko na masusubok kung hanggang saan talaga ang kaya at mararating ko, pipilitin kong maging matatag para sa sarili at sa pamilya ko....

Im coming MANILA, at sana naman makita ko ulit sya doon, yung Dream boy ko... oo di may dream boy ako, di ko man masyadong binabanggit sa inyo ang tungkol doon dahil mas naka focus ang atensyon ko kay justin,

Parang nalilito na nga ako eh, mahal ko ba talaga si justin o hindi ko lang matanggap na iniwan nya ako at miss na miss na miss ko na talaga sya? Ewan magulo.

Ito naman si Mr. dream boy, may kutob akong magkikita kami ulit, sana nga.



Itutuloy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Dream Boy (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon