Prologue

86 1 0
                                    

Prologue

Hinabol ko siya hanggang sa kwadra ng mga kabayo . Mabibilis at malalaki ang hakbang na kanyang ginagawa dahilan para ako ay mapaisip na imposibleng maabutan ko pa siya .

Habol ko na ang aking hininga . Namumuo na rin ang mga luha sa aking mga mata at halos hindi ko na makita ang aking patutunguhan dahil sa madilim na gabi na tanging bilog at maliwanag na buwan lang ang nakatanglaw.

Pero wala na akong pakialam kung magkandatapilok at dapa pa ako dahil ang tanging nasa isip ko lang ng mga oras na ito ay ang mahabol ko siya at masabi ko sa kanyang totoo ang mga sinabi ko kanina . Nais kong magpaliwanag dahil alam kong naguguluhan na siya sa mga inaasal ko .

Nais kong ipagsigawan ang totoo kong nararamdaman . Ayoko nang itago o ilihim . Ayoko nang manahimik pa . Sa mga nagdaang araw na magkasama kaming dalawa , napatunayan ko na may pagtingin pa siya sa akin . Napatunayan ko na mahal niya pa rin ako kaya hindi na ako magpapapigil pa . Sabihin nang desperada na ako pero wala na akong pakialam . Dahil ang alam ko lang ay kung gaano ko siya kamahal . Ayoko nang isipin na may masasaktan ako . Wala na akong paki sa kanila .

Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at nang matansya kong kakaunti na lang ang pagitan namin ay saka ko isinigaw ang pangalan niya .

Huminto ito sa paglalakad at tinignan ako ng matalim . Nasa bukana na siya ng pinto ng kwadra ng mga kabayo .

Tumakbo ako papalapit sa kanya at akmang hahawakan siya ng bigla ay pumiksi siya upang makaiwas .

"L-leo..."

"Oh shut up . Just please , shut up !!" Puno ng pagkasuklam na turan nito .

Nanginig ang laman ko sa tono ng boses niya . Takot , kaba at sakit ang halo halong nadama ko sa mga binigkas niya .

Galit siya . Hindi maitatatwa na galit siya . Hindi ko siya masisisi dahil alam kong nasaktan ko siya ng sobra pero hindi lang siya ang naghirap . Maski ako ay kinailangan ding magdusa sa desisyong nagawa ko at labis ko nang pinagsisisihan iyon ngayon . Handa akong gawin ang lahat basta bumalik lang ulit kami sa dati . Kahit pa ibig sabihin nun ay ang makasakit ako ng damdamin ng iba . Ayoko na silang isipin dahil ako rin naman hanggang sa mga oras na ito ay nasasaktan parin .

"I love you . Mahal na mahal kita at alam kong alam mo yan . Inakala kong nalimot na kita pero hindi parin pala . All this time niloloko ko lang pala ang sarili ko na wala ka nang halaga para sa akin . I needed to be strong for me to survive a life without you . I told myself that I get over you pero mali ako . Maling mali ako dahil the moment that I saw you again , my heart started to beat like there was no tomorrow exactly how it used to beat seven years ago when we're still together . I know right there and then that I never stop loving you . Umaasa parin pala ako na sa huli tayo parin and I know ganun ka rin . I know it , I can feel it . Sa loob ng limang araw na magkasama tayong dalawa narealize ko na wala parin tayong pinagbago . Ganun parin , hindi ba ? Nagkakaintindihan tayo kahit sa pinakamaliit na bagay lang . At alam ko , sa loob ng limang araw na iyon ay naramdaman mo rin na tayo talaga ang para sa isa't isa ." Madamdaming sabi ko . Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ko ang panginginig nito . Kung dahil ba iyon sa saya o galit ay hindi ko alam . Ang tanging nasa isip ko lang ay alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko . Alam kong parehas kami ng damdamin para sa isa't isa .

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin matapos ang mahaba kong litanya . Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o talagang wala lang siyang masabi sa mga oras na iyon . Abot abot ang kabang nadarama ko . Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba sa maaaring lumabas sa bibig niya .

I know ,I would cry . Kahit ano pang lumabas sa bibig niya ay alam kong magpapaluha iyon sa akin . It is either luha ng kaligayahan o luha ng pagkasawi . I just hope na ang una ang mangyari .

I Love You...... BEFORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon