Chapter 6

32 0 0
                                    


Chapter 6

    Nagulat ako nang maramdaman ko ang kanyang mainit na palad sa aking braso. Magaspang ito at malaki. Bagay lamang sa kanyang personalidad na lalaking lalaki ang dating. Hindi sya maputi, hindi rin sya mayaman pero labis labis naman ang kanyang angking kakisigan na maski ako ay hindi makapaniwala na maaari palang magkaroon ng kasing gwapo niya sa mundong ito.

    Napalunok ako at dahan dahang lumingon sa taong may hawak ng braso ko. Pinilit kong ikalma ang puso kong may abnormal na tibok sa mga oras na ito. Hindi ko nais na makita niya kung gaano kalakas ang epekto ng simpleng pagdadaiti lamang ng aming mga balat.

    "Bakit?" Tanging naitanong ko.

   Halatang nag-aalangan ito sa pagsagot sa simple kong tanong. Ano nga ba ang maaaring dahilan kung bakit niya ako pinigilan? Babawiin niya ba ang pagtanggi sa akin at sa halip ay hindi na lamang tutuloy sa usapan nila ni Mang Kaloy?

   Pinilig ko ng bahagya ang aking ulo. Alam kong masisiyahan ako kung mas pipiliin niyang makasama ako pero ganoon pa man ay hindi ko pa rin gugustuhing sumira sya sa isang usapan. Kilala sya bilang isang taong may isang salita kaya hindi niya dapat ako piliing samahan dahil kung tutuusin ay nanggugulo lang naman talaga ako.

   "Kung sasabihin mong sasamahan mo na lang ako imbes na pumunta sa usapan niyo ni Mang Kaloy ay kalimutan mo na lang. Hindi ko nais makasira ng usapan ng may usapan. Hindi naman kita pinipilit na samahan ako. As I said before, you don't have to feel guilty kasi marami pa naman akong maaaring gawin sa buong rancho." Sabi ko na hindi pa rin binabawi ang mga braso. Nais kong namnamin ang kanyang balat sa aking balat. Nagpanggap na lang ako na hindi ko ito napapansin.

   Nakatitig sya sa aking mata. Tila hirap sabihin ang nais sabihin pero makalipas lang ng ilang segundo ay nagawa na rin niyang isaboses ang nais sabihin.

   "Wala akong balak na hindi tumupad sa usapan, Senorita. Pero hindi ko rin gustong iwanan ka na lang dito. Kaya naisip ko na bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa bukohan tutal ay ikaw na rin ang nagsabi na wala ka naman talagang magawa. Doon ay marami ka ring pwedeng gawin." Nakangiting sabi niya sa akin na mas lalo yatang nagpagwapo sa matagal na niyang gwapong mukha.

   Nagulat ako sa alok niya. Ni hindi kaagad naproseso iyon sa utak ko. Kailangan ko pang ulit ulit sa isip ko ang kanyang mga sinabi bago ko talaga maintindihan.

   "Nais mo akong sumama sa iyo sa bukohan?" Wala sa sariling naitanong ko.

   "Iyon ay kung ayos lang naman sa iyo, Senorita."

   Tama nga ako ng rinig. Nais niya akong isama sa kanyang lakad. Nais niya rin akong makasama." Oo naman." Agad na sagot ko na punong sigla. Maski ako ay nagulat sa kasiyahang mababakas sa aking boses. "Ang ibig kong sabihin, ayos lang sa akin para na rin makapunta ako sa paanan ng bundok. Ni minsan ay hindi pa ako nakapunta doon. Hindi kasi ako marunong mangabayo." Malungkot na pahayag ko.

   Bigla ay napaisip ako. Paano kami pupunta doon kung hindi ako marunong mangabayo? Alangan namang maglakad lang kami.

   Napatingi ako sa kanya na tila nagtatanong ang mga mata pero ngumiti lamang sya sa akin at dahil doon ay naniwala akong makakarating kami sa aming pupuntahan sa paraan na parehas kaming masisiyahan.

   Nauna akong lumabas ng kwadra at doon ay hinantay ko syang makalabas din. Paglabas niya ay nakita kong hila-hila na niya ang isang kulay brown na stallion. Wala akong masyadong alam sa mga uri ng kabayo pero isa lang ang sigurado ako na lahat ng aming kabayo ay matataas ang kalidad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You...... BEFORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon