Chapter 5
The flight from Canada to Philippines was too short for my liking. Malayo ang distansya ng dalawang bansa pero para sakin, sa aking sariling pakiramdam. Para bang bumilang lang ng isang minuto ang aming byahe. Tila napakabilis at ngayon nga ay nakababa na kami ng eroplano.
Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Sa sobrang pangamba ko ay hindi ko napansin na nakalapag na pala ang eroplanong sinasakyan namin ni Dash. Tuluyan nang hindi nawala ang kaba sa aking dibdib na sa aking pakiramdam ay lalong lumalakas sa bawat minutong lumilipas. Hindi sapat ang ilang oras na byahe mula sa Canada upang mawala ang takot sa dibdib ko, sa halip tila yata lalo pa itong tumitindi. "Are you ready, Beauty?" Nakangiting tanong ni Dash sa akin. Hindi maikakaila sa mukha niya ang saya sa muling pagtapak niya rito sa Pilipinas ngunit taliwas ang makikita sa aking mukha. Ganunpaman, pinilit kong ngumiti sa kanya at saka marahang tumangon. Inakbayan niya ako at sabay na naming kinuha ang aming mga bagahe.
Sa labas ng airport ay nag-aantay na sa amin ang taxi na maghahatid sa amin sa Rancho Alcantara. Sa lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip. Sa lugar kung saan ako natuto at namalagi kalahati ng buhay ko. Sa lugar na itinuring ko dating isang paraiso. Sa lugar kung saan natuto akong magmahal ng wagas at sa lugar na pinagtaguan ko pitong taon na ang lumipas. Bawat hakbang ay parang may batong dumadagan sa aking puso na lalong nagpapabigat sa aking damdamin. Gaano na lang ba kaiksi ang pagitan mula sa kinatatayuan ko hanggang sa Rancho?
Sana mahaba pa.
Nang makasakay kami sa taxi, pakiramdam ko ay lalong sumikip ang mundo ko. Habang binabaybay ng sasakyan ang daan patungo sa aming pupuntahan ay lahat na nahiling ko para maunsyami kahit saglit lang ang aming pag-uwe. Nahiling ko na sana maipit kami sa matinding traffic. Na sana masiraan kami ng sasakyan. At pati na rin ang pagkaligaw sumagi na rin sa isip ko pero ni isa man sa hiling ko ay hindi nangyari. Walang natupad sa tahimik kong kahilingan.
Tahimik ako sa buong byahe. Iniisip kung ano ang maaari kong madatnan sa muli kong pagbabalik. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay ni Dashniel na humawak sa akin. "Look at the view, honey. It is as beautiful as you are." Malambing niyang sabi na nakapagpalingon sa akin sa labas mula sa pagkakayuko.
Nahigit ko ang aking hininga hindi dahil sa ganda ng tanawin kundi sa pamilyar na itsura ng daan na tinatahak ng sasakyan. Gaano na ba katagal ang lumipas? Pakiramdam ko ay segundo pa lang pero hindi. Imposibleng segundo pa lang.
"Tama kayo r'yan, Sir. Totoo ngang maganda ang lugar na ito. Parte po kasi ito ng pag-aari ng mga Alcantara. Maganda ang pag-aalaga nila sa kalikasan sa lugar na ito. Hindi gaya sa maynila na halos wala ka ng makitang puno. Dito ay mga puno, halaman, pananim, at hayop ang pangunahing kinabubuhay ng mga tao . Lahat sila ay may pagkakaisa sa pagpapag-aalaga sa likas na yaman dito. Kaya hindi maikakaila na isa ang lugar na ito sa masasabi kong magagandang lugar na nakita ko."
Napatingin sa akin si Dash. Gulat sa mga narinig mula sa tsuper ng sasakyan. Wala kasi syang ideya sa laki ng nasasakupan ng pamilya ko. Oo, totoo na nga ito. Nandito na ako sa lugar na pitong taon ko nang hinihiling na sana ay hindi ko na balikan pa. "Mawalang galang lang po kung magtatanong ako sa inyo." Basag muli ng tsuper sa ilang segundong katahimikan na namagitan sa loob ng sasakyan. "Ano po ang sadya niyo sa Rancho Alcantara? Magbabakasyon po ba kayo doon? Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi maaaring magbakasyon doon, pero may iba din naman akong pasahero na nagpapahatid dun para lamang maglibot pero hindi para manatili doon ng ilang araw. Pero kayong dalawa, imposibleng mamamasyal lang kayo doon base na rin sa mga dala niyong bagahe." Napatingin ako sa tsuper nang marinig ang tanong niya. Nagsalubong ang nagtatanong niyang mga mata at ang aking mga mata sa rearview mirror ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
I Love You...... BEFORE
General FictionSa mundong ginagalawan natin , hindi lahat ng gusto natin ay maaaring mapasaatin , hindi lahat ng napasaatin ay muli mapapasaatin at hindi lahat ng nasa atin ay mananatiling nasa atin . May mga pangyayari na kahit anong pilit nating makuha ay hindi...