Chapter 3

23 0 0
                                    

Chapter 3

"Honey, please don't cry. I hate seeing you cry. Tell me what happened. You just burst into tears all of a sudden." masuyong bigkas ni Dashniel habang patuloy niyang hinahagod ang aking likod sa banayad na paraan. Pero imbes na kumalma ay tila mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko at mas madaming bugso ng luha ang dumaloy mula sa mga mata ko. Tila lalong nadagdagan ang mga masasamang pakiramdam ko na unti unting lumalamon sa kakalmahan na pilit kong binuo sa sarili ko isang linggo na ang nakalipas.

"I can't stop myself from crying. I don't really want to be helpless like this. But right now, I feel like crying is the most appropiate thing to do." patuloy sa paghagulhol at pagpatak ng mga luhang turan ko. Hindi ko nga alam kung paanong nagawa kong bigkasin ang mga salitang iyon.

Lahat ng takot, kaba, at pagdadalawang isip ay nangunguna sa puso't isipan ko sa mga oras na ito. All of a sudden, I feel like going back was not a good idea at all. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang kaba, kung ano ang dahilan ay hindi ko na malaman. Nilalamig ako. Pinagpapawisan kahit malakas ang aircon sa sala na kinaroroonan namin ngayon. Nanginginig ang lahat ng himaymay ng katawan ko hindi dahil sa lamig o ano kundi sa takot sa katotohanang babalik na ako. After seven years, babalik na ako. Isa lang ang siguradong alam ko sa mga oras na ito, ayokong bumalik sa Pilipinas. Ayokong bumalik sa lugar na minsang tinuring ko ring tahanan. Ayokong bumalik sa lugar na magpapaalala sa akin ng mga masasaya, malulungkot at masasakit na alaala. Ayokong bumalik sa lugar na tinakbuhay at tinaguan ko sa loob ng pitong taon. Ayokong makita ang mga taong dahilan kung bakit kinailangan kong lumipad papunta dito sa Canada. Ayokong malaman ang mga sasabihin nila matapos ang matagal kong pagkawala. Ayoko!! Ayokong balikan nang balikan pang muli ang lugar kung saan iniwan ko ang tanging taong nagpahalaga sa akin sa kabila ng mga panunuya sa akin ng ibang mga tao.

Kung sana ay nanahimik na lang ako. Kung sana ay hindi na ako na-curious sa kalagayan ng pamilyang naiwan ko. Kung sana ay tinalikuran at kinalimutan ko na sila ng tuluyan na parang wala lang sila sa akin. Di sin sana'y hindi ko makakausap ang pinakamamahal kong kapatid. Di sin sana'y hindi ko makikita ang labis niyang pangungulila sa akin. Di sin sana'y hindi ko makikita ang sunod sunod na ragasa ng kanyang mga luha mula sa mga mata tanda na labis niya nang kinasasabika ang muli naming pagdadaupang palad. Di sin sana'y hindi ko malalaman na naging miserable ang buhay ni Mama nang dahil sa aking pagkawala. Di sin sana ay hindi ako uuwe ngayon sa bansang kinalakihan ko upang harapin ang mga bagay na tinatakbuhan ko.

Ibinuro ko ang mukha ko sa dalawang palad ko and cry my heart out. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Napakabigat ng dinadala ng puso ko. Akala ko matapang na ako pero hindi pa pala. Kasi ngayon, punong puno ang utak ko ng iba't ibang ideya kung paano matatakasan ang kasalukuyan kong sitwasyon. "Sshhh......sweetie, alam ko hindi mo pa sinasabi ang buong istorya kung bakit ganyan na lang ang takot at kaba mo sa pag uwi natin ng Pinas at alam ko sa ngayon wala pa akong magagawa para maibsan iyang nararamdamam mo. Pero Beauty, nahihirapan din ako kapag nakikita kang ganyan lalo pa't hindi ko naman talaga alam ang totoong dahilan. But always remember that I'll never leave your side, honey. Handa akong maghintay kung kailan handa ka ng magsalita even if it takes forever. Dadamayan at iintidihin ko ang lahat ng nararamdaman mo." Sabi nito at mahigpit akong niyakap. Napakapit ako sa damit niya at walang patid na umiyak sa kanyang dibdib. Nakaramdam ako ng bahagyang kagaanan sa pakiramdam. Ang mapaloob sa kanyang mga bisig na yata ang pinaka maginhawang sitwasyon ko sa mga oras na ito. Hinayaan niya akong umiyak ng umiyak at paminsan minsan ay binubulungan niya ako ng mga matatamis na salita kasabay ng makailang beses niyang halik sa aking bunbunan. Kung wala si Dashniel sa tabi ko sa mga oras na ito ay malamang na tatakbuhan ko na naman ang sitwasyon ko ngayon. Malamang na habang buhay ko nang iiwasan ang pag uwi sa Pilipinas. Malamang na hindi ko na nanaisin pang muling makatapak sa lugar na naging dahilan kung bakit naging miserable ang mga naunang taon ko dito sa Canada.

I Love You...... BEFORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon