Chapter 4
Pumasok ako sa loob ng kwarto nang may baong ngiti sa mga labi. Nandoon parin ang kaba at takot na nararamdaman ko pero hindi gaya kanina ay nagagawa ko na ngayong kontrolin ang mga bumabagabag sa akin. Wala namang magagawa ang pamomroblema ko para mawala yung mga nararamdaman ko. Isa pa, alam ko na hindi ako iiwan ni Dash. Kung sakali mang hindi maging maayos ang kalalabasan ng pag uwe namin ay alam kong makakaya ko paring mabuhay na si Dash lang ang kasama at kasangga.
Lumapit ako sa tokador na nasa kaliwa ng kama at umupo sa upuang naroon. Hindi ko naiwasang pagapangin ang aking mga daliri sa ibabaw ng tokador na noon ay puno ng mga pambabaeng gamit gaya ng lotion, perfume, facial cream at marami pang iba. Sa loob ng pitong taon na paninirahan ko dito sa Canada ay nasa akin na ang tokador na ito. Siguro nga baliw na akong maituturing kung sasabihin kong mamimiss ko ang tokador na ito pero iyon ang totoo. Mamimiss ko ang lahat ng mga bagay na maiiwan namin dito sa Canada. Ang kama, unan, bedside table, couch at maging ang inidoro sa banyo namin ni Dash. Mamimiss ko ang kwartong ito, ang apartment na ito. Marami kaming alaala ni Dash dito, masasaya, malulungkot, mga nakakainis at mga maiinit na tagpong alaala. Naramdaman kong bahagyang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa mga maiinit na alaalang biglang dumagsa sa aking isipan. Bawat sulok ng apartment na ito ay may maiinit na tagpo kami ni Dash, sa kama, sa couch, sa dining table, sa kitchen counter, sa kitchen sink, sa bathroom counter, sa bathtub, sa inidoro, at maging sa dingding kung saan buhat buhat niya ako habang mainit at mapusok ang aming pag aangkinan sa isa't isa. Malamang sa hindi kapag umuwi na kami sa Pilipinas ay hindi na namin magawa ang 'maliit naming adventure' sa bahay dahil marami na ang maaaring makakita sa amin. Napangiti ako sa aking mga naiisip at the same time parang nais kong batukan ang aking sarili dahil alam kong hindi dapat ang panghihinayang sa 'maliit naming adventure' ang aking iniisip sa mga oras na ito. Pero sino ba naman ako para hindi pagnasahan ang isang Dashniel Pettyfer kahit ba sabihin pa nating nobyo ko na ito. He is so good to be true for me na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na akin na siya dalawang taon na ang nakakalipas. Our relationship was not perfect but being inperfect was the reason why we still in each others arm for two years now. Natuto kaming tanggapin ang lahat ng pagkakamali at kasalanan na nagawa ng namin sa isa't isa. Bonus pa ang mindblowing, earth shattering and breathtaking sex na pinagsasaluhan namin. Muli ay uminit na naman ang magkabilang pisngi ko biglang pag alaala ng mga maiinit naming pagmamahalan.
"No need to put some blush on. You face was as red as a tomato. I wonder what thought of you will make you blushed like that." napapitlag ako sa pagkagulat ng marinig ko ang baritonong boses ni Dash sa likod ko. Tinignan ko siya sa pamamagitan ng salamin sa aking harapan. Nakasandal siya sa hamba ng pinto habang nakasalikop ang mga braso sa tapat ng dibdib nito at may pilyong ngiti sa mga labi. Kung siguro hindi niya ako nobya ay kanina pa tumulo ang aking laway sa kakisigang taglay ni Dash. Iba na ang damit na suot niya marahil nagpalit siya nang mabasa ng aking mga luha ang suot niyang damit kanina. Pero sino ba ang niloloko ko? Kahit naman nobya na niya ako sa loob ng dalawang taon at kilala ko na sya halos tatlong taon na ang nakalilipas ay naglalaway parin ako sa kagwapuhang taglay ng nilalang na ito. Well, atleast not literally.
Nakasuot ito ng hapit na faded jeans na pinaresan niya ng checked blue and black longsleeve. Nakatupi ang mga manggas nito hanggang sa kanyang mga siko kaya naman kitang kita ang mga muscles niya sa braso. At bakat ang matipuno niyang dibdib sa napili niyang damit.
Napahawak ako sa magkabila kong pisngi at napatingin sa salamin. Namumula nga ang mukha ko at malamang dahil iyon sa malikot kong isip. Humarap ako sa kanya na hindi malaman kung sisimangutan ba siya o ngingitian. Pero pinili ko parin ang huli. Ngiting may halong kapilyuhan na agad naman niyang naintindihan base narin sa pagtayo niya ng tuwid at pagtetense ng bahagya ng kanyang katawan. Nakita kong naggalawan ang kanyang mga muscle sa braso dahilan para lalong mabuhay ang init na lagi ay nararamdaman ko sa tuwing maliit na distansya lang ang aming pagitan. Tumayo at marahang tinawid ang distansyang naglalayo sa aming dalawa. Itinaas ko ang aking kamay para dampian ng hawak ang kanyang makinis na mukha.

BINABASA MO ANG
I Love You...... BEFORE
General FictionSa mundong ginagalawan natin , hindi lahat ng gusto natin ay maaaring mapasaatin , hindi lahat ng napasaatin ay muli mapapasaatin at hindi lahat ng nasa atin ay mananatiling nasa atin . May mga pangyayari na kahit anong pilit nating makuha ay hindi...