..Pagkatapos kumain nina Ellie at Jarvey ay dumiretso na sila sa Hotel kung saan magmi-meeting ang binata..
"Ellie dito ka lang sa tabi ko.. " banggit ng binata..
"Ok po sir" sagot naman niya..
"Ready mo lang lahat ng kailangan ko.. after meeting babalik na agad tayo ng Manila.. " sabi ni Josh na tila nagpapaliwanag sa dalaga.. tumango lamang si Ellie ay ngumiti.. pagkatapos ng meeting ay isa isang nagpaalaman ang mga kameeting nila.. niyaya na agad siya ng binata na lumabas ng conference room.. paglabas nila ay dumiretso na sila sa parking lot.. sabay na sumakay ang dalawa sa sasakyan.. sa kalagitnaan ng byahe nagsalita si Jarvey..
"Ellie okay lang bang dumaan tayo sa mga tita ko?" tanong niya sa dalaga..
"malapit lang ba sila dito? okay lang, maaga pa naman.. " sagot naman ni Ellie..
"yeah malapit lang naman.. may kukunin lang ako.. then alis na tayo agad" paliwanag naman ng binata..
..tumango lamang ang dalaga dito.. ilang minuto ang nakalipas ay huminto sila sa tapat ng isang malaking bahay.. naisip na agad ni Ellie na ito na ang bahay na tinutukoy ng binata.. sabay na silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa malaking bahay.. isang matandang babae ang nakita niyang pasalubong sakanil.. niyakap nito si Jarvey at tuwang tuwa pa itong pinangigilan ang binata..
"i missed you so much hijo.. how are you? " nakangiting wika nito..
"im good tita.. you? mukhang bumabata kayo ahh" ganting lambing naman ng binata sa tiyahin..
"you are still bolero.. no wonder na ang mama mo ay nagrereklamo sakin.. aba.. iba iba daw ang dinadala mong mga girls sa bahay ninyo" pambubuyo naman ng tiyahin niya..
"come on tita.. kasalanan ko ba na lapitin ang pamangkin mo? " nagyayabang namang sagot ng binata..
..habang nakatayo sa di kalayuan ay di napigilang mangiti at iling ni Ellie.. 'ang hangin naman dito.. sobrang lamig eh' wika nito sa sarili.. napansin naman siya ng matandang babae at tinitigan siya..
"well.. sino naman itong magandang binibining kasama mo hijo? isa ba sya sa? " nakangiying sabi nito at lumapit patungo sa dalaga..
"ahh.. sorry tita.. this is Ellie.. my secretary.. Ellie ang very beautiful kong tita na si Tita Ymelda" pagpapakilala ng binata sa tiyahin niya..
"magandang hapon po.." naiilang na bati niya dito..
"Ellie.. Ellie.. Ellie.. have we met before hija.. you look so familiar" nagtatakang wika naman ng matanda..
"tita.. sya yung kapatid ni Erold.. remember Erold? "
"ohhh.. okay.. i see kaya pala pamilyar ka sakin hija.. minsan na kita nakita..sa graduation niyo Jarvey right? " sabay tanong sa binata..
"yes tita.. siya nga yun.. " sagot ng binata..
"oh my.. mas gumanda ka hija.. how come naging boss mo itong pamangkin ko? nako hija di ba umiinit ang ulo mo sa sobrang istrikto nitong pamangkin ko? " pabirong wika ng ginang..
"hindi naman po maam.. wag po kayong mag alala.. kayang kaya ko po pagkaistrikto ng pamangkin nio. " natatawa namang sagot ni Ellie..
"call me tita hija.. napakapormal naman pag maam hhaha" mahinahon na sabi ng ginang..
"magmeryenda muna tayo.. Jarvey andyan si Prince kakadating lang din.. puntahan mo nalang sa kwarto niya.. ako na bahala dito kay Ellie.. "..sumunod naman si Jarvey sa tiyahin..samantalang si Ellie at ang ginang ay tumuloy sa garden at nagpahanda ng meryenda.. habang hinihintay nila ang binata, hindi tumigil ang ginang sa pagtatanong kay Ellie..

BINABASA MO ANG
Loving Mr. Mean Guy
RomanceEllie.. a girl who secretly inlove with his brother 's best friend.. a girl who believed in true love.. but scared of falling inlove.. Jarvey.. a guy who has everything except manners when it comes to love.. can two opposite person end loving each...