Chapter 7 - Heartaches

19 2 1
                                    

..Masayang gumising si Ellie araw bg lunes. Bumangon siya at pinagmasdan ang mga bulaklak na binagay sa kanya ni Jarvey. Inamoy pa niya iyon at napapangiti pa ang dalaga. Bumaba siya upang maghanda ng almusal nila ng kuya niya, dahil wala pa ang katulong ay siya na muna ang maghahanda ng makakain nilang magkapatid. Subalit pagdating niya ng kusina ay andoon na kuya niya at naghahanda na ito ng mailuluto.

"goodmorning kuya" nakingiting bati nito sa kapatid

"oh ang aga mo yatang nagising at mukhang masayang masaya ka ah?" puna naman ng kuya niya

"kuya napagtanto ko kase na dapat ako naghahanda at nagluluto ng pagkain natin kase ako yung babae. Napag isip isip ko din na ikaw naman pagsilbihan ko kapag wala si manang" sagot ng dalaga na tinabihan ang kuya na nagluluto na ng makakain nila

"nako Ellie!, yang mga ganyang galawan mo mukhang may gusto ka lang hilingin sakin eh!," naiiling naman na sabi ng binata

"kuya! diba pwedeng naglalambing lang na walang kapalit?! grabehan talaga yang utak mo eh!" sagot ni Ellie na kumakain ng tinapay habang naglilitanya sa kapatid

"alam mo kase Ellie, kinakabahan na ko pag ganyan ka eh! the last you did that is when you want a bag! bag na 2 buwan kong sweldo ang halaga! ganun ka lang naman pag naglalambing!" biro ni Erold sa kapatid

"wow! at naalala mo pa talaga yun Engineer Gonzales?!" naiiling namang sagot ni Ellie

"aba sino ba naman ang makakalimot nun!! san ka nakakita na bag ang presyo kulang nalang kumuha ako ng hulugang 2 condo! tapos nasan yung bag? nakatago? sana dimo nalang binili! ipinatago mo nalang sana sa mall!" lintanya ni Erold

"ay grabe talaga sya! ginagamit ko po yun! di lang madalas para di kaagad maluma! ganun ako kaingat sa gamit!" nangingiting sagot ng dalaga

" hay nako Ellie! ang mabuti pa, maghain ka nalang at ng makakain na tayo! saka kana maglambing! may oras sa paglalambing! wala akongbpambili ng bag mo kaya kumain nalang tayo!" natatawa namang sabi ni Ellie

"madami nako bag!" pabiro namang sagot ni Ellie.

..Masayang kumain ang magkapatid. Matapos kumain ay nagligpit ba ang dalawa at nag ayos para pumasok sa kanikanilang trabaho. Gaya ng nakagawian, inihatid parin ni Erold ang dalaga sa opisinang pinapasukan nito.

"bye kuya!" paalam ng dalaga at pumsik na ito ng kumpanya. Pagpasok niya ay sinalubong siya ni Rina.

"goodmorning girl! iniintay talaga kita eh! may sasabihin kasi ako sayo" bungad nu Rina sa kaibigan

"oh my G! Rina ang aga aga ah at saka lunes na lunes!, please lang ayusin mo yang sasabihin mo!" biro naman ni Ellie sa kaibigan

"gaga!" natatawang sambit naman ni Rina

"ano ba kase yun?" tanong ni Ellie dito. Bago magsalita si Rina ay sumakay na muna sila ng elevator saktong silang dalawa lang ang laman nito.

"girl!" siryosong tinitigan ni Rina si Ellie. " naka move on nako. napag isip isip ko na di kami para sa isat isa ni Ryan!" tuloy tuloy na sabi ni Rina na napakaseryoso ng mukha

"sabi ko na eh! kalokohan na naman yang sasabihin mo!" wika ni Ellie na naiiling pa

"ano ka ba girl! seryoso nga ako!" sagot naman ni Rina

"oo na! oo na! sige na! congratulations girl ah! at last naka move on kana!" natatawang wika ni Ellie

"salamay girl! di naman pala mahirap magmove on!" seryoso paring si Rina

..Natawa nalang si Ellie sa kaibigan. Sabay silang lumabas ng elevator ngunit naghiwalay din ang mga ito dahil magkaiba ng direksyon ang kanilang opisina. Si Ellie ay tumuloy na sa kanyang deparyment. Pagkakita sa kanya ng mga kasamahan sa opisana ay binati siya ng mga ito. Naupo si Ellie sa harap ng mesa niya. Sinisilip palihim ang opisa ni Jarvey. Tinitignan niya kung andoon na ito. Ilang minuto pa ay biglang sumulpot si Jarvey at tuloy tuloy itong pumasok sa opisina, parang walang narinig na pagbati mula sa mga tauhan nito at maging sa kanya. Kibit balikat namang naupo muli ang dalaga at hindi na inisip ang pag iisnab ng boss niya.
..3 oras na ang nakakalipas ay ni hindi man lang sya tinawag ng binata. Nagtataka man binaliwala nalang niya ito at nagtrabaho nalang siya. Bigla namang tumunog ang line telephone sa gilid ng mesa niya.

Loving Mr. Mean GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon