Chapter 13 - Closer I get to you

3 0 0
                                    

Ramdam ni Ellie ang masuyong paghalik ng binata sa kanya at ang init ng mga yakap nito, tumugon din naman siya sa paghalik rito at masuyo niya rin itong niyakap, pakiramdam ni Ellie ay idinuduyan siya ng mga sandaling iyon. Ilang sandali pa ay dahan dahang huminto ang binata sa paghalik kay Ellie at matamang tinitigan ang dalaga, nagmulat naman ng mga mata ang dalaga at matamang tumitig sa binata, antimanoy yumuko ito na namumula ang mga pisngi, inangat naman ni Jarvey ang mukha ng dalaga, nakangiti siya habang nakatitig sa dalaga

"you are more beautiful when your blushing" masuyong wika ng binata, mas lalo namang namula ang  pisngi ng dalaga.. muli naman syang hinalikan ng masuyo ng binata ngunitbsa pagkakataong iyon ay maiksing halik lamang ngunit ramdam na ramdam ni Ellie ang sinseridad ng binata.
Muling naupo ang mga ito at kumain habang nagkukwentuhan, masaya nilang sinulit ang mga oras na sila lamang ang dalawa ang magkasama. Matapos kumain ng dalawa ay nagtungo ang mga ito sa harap ng bon fire, naupo sila sa silya at nagpatuloy sa pagkukwentuhan.

"Are you happy?" masuyong tanong ni Jarvey aa dalaga

"huh?! hmmm.. sakto lang" nakangiting sagot naman ni Ellie na nasalukuyang nakatingin sa langit.

"sakto?! yun lang?!" nagtatakang tanong naman muli ng binata na napatingin na kay Ellie.

"oo sakto lang! ganun talaga! dapat sakto lang lagi, di pwedeng kulang o sobra para di mahirap timbangin" seryoso paring sagot ni Ellie

"hayyyyy... ayaw pa umamin! na masayang masaya ka kasi tayo na!" malokong wika naman ni Jarvey

"wow! masayang masaya talaga?! teka nga Mr. Santillan, baka naman ikaw tong masayang masaya kasi snagot na kita!" ganting wika ni Ellie

"Ms. Gonzales sino unang nanligaw sating dalawa? sino na nga ulit yung nagconfess?" maloko muling tanong ng binata

"teka lang! ano to? balikan na?" seryoso naman tanong ng dalaga na tumingin kay Jarvey at inis na inis ang itsura nito. Sa halip na sagutin ng binata ang tanong ni Ellie ay nagkibit balikat lamang ito at binaling ang mga tingin sa ibang direksyon.

"aba teka talaga! binabaliwala mo na agad ako? so pag ayaw mo sumagot ok lang pero pag ako di pwede ganun?" inis na inis ng wika ni Ellie "deadma? ideadma lang ako ganun talaga? huh! grabe! ano nga?! dimo ako talaga kakausapin?" napipikon ng wika ni Ellie ngunit wala paring reaksyon ang binata, tumigil sa pagsasalita si Ellie ngunit nakatitig parin ito sa binata na abala sa pagtingin kung saan, magsasalita sana muli ang dalaga ng biglang lumingon sa knya si Jarvey at bigla siya nitong nakawan ng halik sa mga labi nito na ngumiti ng nakakaloko pagkatapos, tulala naman at walang nasabi si Eliie sa ginawi ng binata.

"now youre blushing again" nakangiting sambit ng binata

"ehheemmm.. hindi ah!" tanggi naman ng dalaga

"okay! sabi mo eh.." wika naman ng binata sabay hila sa dalaga at niyakap niya ito. "pahinga muna tayo, we need to get back bago pa malaman ng iba na nawawala tayo pareho" masuyong wika ng binata habang yakap ang dalaga, tamango lamang si Ellie at masuyong inilapat ang ulo niya sa dibdib ng binata, napapaisip na sana lagi silang ganito ng binata masaya at walang ibang iniisip.

Bumalik ng campsite ang dalawa bago magising ang karamihan, naghiwalay sila ng makitang may iba ng lumalabas ng tent, naghanda naman ng pagkain si Ellie upang makaiwas sa binata.

"Goodmorning Ellie" masuyong bati sa kanya ni Josh ng lapitan siya nito.

"goodmorning" matipid na bati naman ni Ellie

"nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Josh

"oo. ikaw?"

"medyo oo medyo hindi, tulungan na kita" magiliw na sambit ng binata

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Mr. Mean GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon