Chapter 9 - Unknown Feelings

16 1 0
                                    

Friday 6:00am
"Ellie lets go?" yaya ni Josh sa dalaga. Niyaya niya ito na sumakay na ng kotse at sumunod sa mga kasamahan nito sa trabaho na nakasakay naman sa isang bus

"okay" mahinang sagot naman ng dalaga. Hinahanap ang boss na hindi niya nakita ng nagdaang araw dahil sa out of town meeting nito na hindi sya kasama dahil inasikaso niya ibang mga bilin nitong trabaho.

"are you okay? you look so pale?" nag aalala namang tanong ni Josh sa kanya habang nasa byahe sila

"ahh.. im okay Josh! dont worry, maaga lang kase akong nagising kanina so i think kulang lang ako sa tulog" paliwanag naman ng dalaga

"lets buy some food to eat para naman sumigla ka for the meantime matulog kana muna..ill wake you up pag may nakita akong mabibilhan ng pagkain" wika naman ni Josh na nag aalala parin

"okay! thanks!" tipid paring sagot ni Ellie. Sa totoo lang ay wala syang gana simula ng magkasagutan sila ni Jarvey, masama parin ang loob niya dahil sa mga sinabi ng binata sa kanya, lumingon siya sa bintana at nag iisip ng mga bagay na makapagpapahupa ng nararamdaman niya, hanggang sa makatulog siya. Si Josh naman ay inayos ng dalagang nakatulog, inihiga ang upuan nito, tahimik na nagmaneho at pasulyap sulyap sa na tutulog na si Ellie, dumaan at bumili ng pagkain si Josh ng may makita itong gasoline station na may mga bilihan ng makakain at pagkatapos ay bumalik na ng kotse, mahimbing parin ang tulog ni Ellie, nag aalangan man itong gisingin ang dalaga ay di naman pupwede sapagkat binilhan niya ito ng kapeng paborito nila at slice ng cake

"Ellie..Ellie" gising ng binata kay Ellie, nagising naman ito at umayos ng pagkakaupo, tumingin sa paligid at pagkuway napatitig kay Josh at napakunot ng noo

"where are we?" tanong ni Ellie

"gasoline station,i saw a coffee shop here, i decided to stop to buy you coffee and a slice of cake, walang milk tea kaya coffee nalang" nakangiting sagot ng binata

"ahhh thank you..malayo pa ba tayo?" tanong ni Ellie at kinuha nito ang kape at cake sa binata

"malapit na 30mins siguro andun na tayo, kumain ka muna para kahit papaano mgkaroon ng laman ang tiyan mo" sagot naman ni Josh na nakangiti at pinaandar muli ang sasakyan upang bumyahe ulit

"okay, thank you! ikaw?" tanong ni Ellie

"tapos na, nag coffee na rin ako kaya relax ka lang diyan" nakangiting sagot muli ni Josh

"okay!" wika naman ni Ellie na nakangiti rin. Ilang sandali pa ay narating na nila ang isang napakalaking resort na pag a'outingan nila, bumaba ang dalaga at tinignan mabuti ang paligid, malaki ang resort na ang likod nito ay bundok napangiti ang dalaga sa ganda ng tanawin.

"nice place! maganda" wika naman ni Josh na asa likuran na pala niya at dala dala nito ang mga gamit nila

"oo nga! relaxing! tara na? panigurado nasa loob na sila" yaya ni Ellie kay Josh, pumasok na ang dalawa sa naturang resort at di nga nagkamali ang dalaga na nasa loob narin ang mga kasamahan niya at kasama ang mga pamilya ang iba ay may mga kasama pang bata ang iba naman ay marahil nobyo/nobya at kapatid lang ang kasama.

Ellie!" tawag ni Max na isa sa mga kasamahan niya

"Max! makatawag parang ngaun lang tayo nagkita?" biro ni Ellie dito

"sira ka talaga! ahh sya nga pala bf ko si Mark, Mark this is Ellie secretary ng boss namin" pagpapakilala nito sa kasama hmmm.. Ellie, bf mo?" dugtong na tanong ni Max na nakatingin kay Josh

"ahh..hindi! friend ko si Josh, di kase pwede yung kuya ko kaya sya yung bodyguard ko ngayon" natatawa namang sagot ni Ellie "Josh this is Max isa sa pinakamasipag na kasamahan ko" natatawa paring si ellie. Nagkwentuhan sadali ang mga ito, nagpaalam sa magasintahan upang hanapin ang kwarto nila, nagtanong sila sa isang staff ng resort

Loving Mr. Mean GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon