Papasok ng kwarto sina Ellie at Josh ay di maiwasang mag isip ng dalaga sa ikinilos ni Jarvey 'bakit nya ako pinigilang sumama kay Josh kanina? dahil sa mga pinamili namin?!' tanong ni Ellie sa sarili, ipinilig niya ang mukha dahil sa naguguluhan na naman sya sa ikinikilos ni Jarvey
"Ellie pahinga kana muna, pagtitimplahan muna kita ng coffee or gusto mo bang magpadala ako ng pagkain? gutom ka ba? anong gusto mo?" sunod sunod na tanong ng binata kay Ellie
"Coffee lang Josh, wag kana masyado mag abala okay lang ako" nakangiting wika ni Ellie rito
"sure ka coffee lang?" tanong muli nito
"hmmmm.. sure po!" natatawa namang sagot muli ni Ellie
"okay! dyan ka lang magtitumpla lang ako!" pumunta itobsa maliit na kusina sa kwarto nila at nag asikaso na sa pagtitimpla ng kape nilang dalawa
"Josh, magpapalit lang ako ng damit para pagkapahinga ko tuloy na tayong bumaba para makatulong sa pagprepare medyo pahapon narin kase kaya kailangan na rin natin mag prepare for tonights activity" paalam ni Ellie habang kumukuha ng damit at ibang kailangan niya sabay punta ng banyo at doon siya magpapalit, bigla syang napahinto ng nasa harap na sya ng banyo at lumingon kay Josh
"Josh? dyan ka lang ha?! dyan ka lang!" pasigaw na wika ni Ellie sa binata, napapailing naman si Josh sa sinabi ni Ellie na parang binabantaan pa sya nito
"okay! okay! dito lang po ako! bilisan mo malapit na tong coffee" pasigaw ding sagot ng binata. Pumasok naman na ng banyo ang dalaga at napapaisip pang 'mapagkakatiwalaan ka naman Josh diba?' pabulong bulong pa na wika ni Ellie. Nagmadali na siyang kumilos naligo at nagbihis ito at lumabas na, nakita naman niyang nasa harap na ng mesa ang binata at ang umuusok na kapeng tinimpla nito, nagtuloy sya rito at naupo sa tapat ng binata
"hmmm.. bango ah! sarap sa pakiramdam" wika ni Ellie na inamoy muna ang kape bago uminom ito
"akala ko masakit braso at balikat mo? bakit mo binasa? mas lalong sasakit yan" nag aalalang wika ni Josh
"ahh eto ba, naligo na din kase ako dahil feeling ko lumipat lahat sakin nung pinamili ko di naman siguro sasakit to" paliwanag ni Ellie
"sana nga, gusto mo bili ako ng pamahid para in case na sumakit may ipanggamot ka?" tanong naman ng binata na nag aalala pa din
"okay lang to, pahinga lang ayos nako! nabigla lang siguro" nakangiting tanggi naman ni Ellie
"bakit naman kasi pumayag ka na ikaw magbuhat ng mga yun?" pag iiba ni Josh sa usapan nila
"pag diko kasi ginagawa magtatalo na naman kami ayoko ng magkaganun kaya tiniis ko nalang" kibit balikat namang sagot ni Ellie
"Ellie naman! babae ka! at lalakr ang kasama mo! di naman ibig sabihin na dahil boss mo sya eh pati mahihirap na bagay na pinapagawa sayo okay lang!" litanya ng binata
"okay lang Josh! last na yun! dina mauulit yun" pagpapakalma naman ni Ellie sa binata
"di naman sa nakikialam ako kaso lang kasi yung mga ganung bagay sana dimo na hinahayaang ipagawa sayo niyang bosa mo!" litanya parin ni Josh
"tatay lang? makapagsermon wagas? okay na nga diba? dina po mauulit?" natatawa namang sagot ni Ellie
"alam ba ng kuya mo ginagawa sayo ng kaibigan niya?" dinparin maawat ang binata
"ano ka ba Josh! labas na yun sa kanilang dalawa, wala yun ganun lang talaga yun masasanay ka din pag nakilala mo ng mas mabuti si Jarvey" paliwanag muli ni Ellie rito
"i dont think so! i dont like your boss and the way he treated you!" seryosong wika naman ni Josh
"mabait naman yun! topakin nga lang pero mabait yun kaya wag kana magalit ah?! nakakapresure kasi, magkakasama tayo tapos ganyan naman, galit ka, thats why im telling you na im okay lang, okay? wag kana magalit ah?!" pang aamo naman ni Ellie kay Josh

BINABASA MO ANG
Loving Mr. Mean Guy
RomanceEllie.. a girl who secretly inlove with his brother 's best friend.. a girl who believed in true love.. but scared of falling inlove.. Jarvey.. a guy who has everything except manners when it comes to love.. can two opposite person end loving each...