Chapter 8 - Confusion

21 1 0
                                    

"May problema ka ba Ellie?" anong ni Josh nang mapansin ang dalaga na kakatitig sa kanya

"huh?! ah wala.. wala naman" sagot ni Ellie na inalis ang tingin kay Josh

"bakit napakaseryoso naman yata ng ng tingin mo sakin? may gusto ka bang sabihin mo tanungin?" tanong muli ng binata habang inistart ang sasakayan

"wala.. pinagmamasdan lang kita, para kasing napakasaya mo" palusot na paliwang naman ni Ellie sa binata

"ahhh.. lagi naman akong masaya pero masasaya lang ako pag kasama ka" nakangiting sagot ni Josh na lumingon pa kay Ellie

"sira ka talaga!" tugon naman ni Ellie rito na parang namumula ang pisngi niya sa hiya

"so! san mo gusto kumain?" masiglang tanong sa kanya ni Josh

"kahit saan basta may milk tea at matapang na matapang na kape" sagot din naman ni Ellie may sigla din

"dating gawi?! sa 4J ulit tayo?" tanong ni Josh sa dalaga na ang tinutukoy na 4J ay ang lagi nilang pinupuntahan nung mga college pa lamang sila

"Game!" masiglang sagot naman ni Ellie. Pagkadating sa nasabing restaurant ay umorder sila ng kanikanilang pagkain, inihaw ng tilapia, bangus, liempo, talong, ensaladang mangga, at sinigang na hipon ang kanilang inorder.

"bibitayin lang bukas ang peg? makaorder parang huling kain na?" natatawang sambit ni Ellie

"dating gawi diba? kain kung kain!" sagot naman ni Josh

"go!! ubusan kung ubusan!" nakatawang sagot din naman ni Ellie

..Nagsimula na silang kumain at masaya pa silang nagkwentuhan. Binalikan ang kanilang college life at kung anu ano pa. Pagkatopos kumain ay umordet naman ang dalawa ng kape at lumipat ng pwesto, sa likod ng resto sila pumwesto kung saan may mga mga mesa at upuan dito, tanaw ang Manila Bay at langhap nila ang sariwang hangin.

"hayyyyyy.. ang sarap sa pakiramdam" napabuntong hiningang wika ni Ellie " namis ko tong lugar to! nakakarelax! pagkatapos kumain ng pagkadamidami relax relax naman! kape kape! gaan sa pakiramdam! nakakaalis ng stress" dugtong pa ni Ellie

"bakit? sobrang stress ka ba sa trabaho mo?" tanong naman ni Josh

"sakto lang! minsan nakakastress, minsan ayos naman, pabago bago, parang panahon" seryosong sagot naman ng dalaga

"ang lalim ah! ano ba ibig mong sabihin dyan?" kunot noong tanong muli ni Josh

"yung trabaho ko kase minsan kaunti minsan madami, ganun ganun lang wala namang iba panh ibig sabihin" nakangiting sagot ni Ellie na totoong tinutukoy ang boss niyang napaka moody.

"ahh akala ko naman kung ano na!" tugon ng binata. Napangiti lamang si Ellie dito

"pag nasstress ka tawagan mo lang ako gagawin ko lahat mawala lang stress mo" korning sambit ni Josh

"wow! medyo korni ah!" natatawang sagot naman ni Ellie

"seryoso nga! pag kailangan mo ng kausap andito lang ako" wika naman ng binata

"okay! basta make sure na pagkailangan kita free na free ka ah!" natatawang biro naman ni Ellie

"kahit may importante akong ginagawa pag kailangan mo ako iiwanan ko ginagawa ko para lang sayo!" sagot naman ni Josh

"ang korni talaga! nakakakilabot!" humahalakhak na sagot naman ni Ellie. Natawa narin naman ang binata sa sinabi niya, ilang minuto pa sila ngkwentuhan bago nagpasyang umuwi. Inihatid ni Josh ang dalaga sa bahay nito.

"salamat sa paghatid at saka sa overload dinner at sa mga bulaklak" pasasalamat ng dalaga kay Josh

"basta ikaw walang problema!" sagot naman ni Josh "alis na din ako, tawagan kita pagkauwi ko ikay?! goodnight!" paalam naman ng binata at sumakay na ito ng kotse niya, nang mawala na sa paningin ang sasakyan ng binata ay nagpasya na syang pumasok ng bahay. Napahinto siya paglalakad ng may biglang pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Inintay kung sino ang bagong dating na bisita nila, dalawang lalake ang bumaba angbisa ay si Red, kaibigan ng kuya niya at laking gulat ngakita na si Jarvey ang isang lalake 'akala ko ba maaga meerting nito bukas?! eh bakit lagpas alas diyes na ay nagpunta ito sa kanila?!' tanong ni Ellie sa sarili. Pumasok ng gate ang dalawang lalake at dumiretso sa kinatatayuan niya?

Loving Mr. Mean GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon